Miss Colombia Andrea Tovar on her Miss U performance: "I could have given more."

IMAGE Photo Grabbed from You Tube

Miss Colombia Andrea Tovar, who finished 2nd runner-up at the 2016 Miss Universe pageant, revealed that she could have given more during the grand coronation, but she admitted that she got tired from all the pageant activities.


Sinabi ni Miss Universe 2nd runner-up Andrea Tovar ng Colombia na mas napaganda pa sana niya ang kanyang performance sa 65th Miss Universe kung hindi lang siya napagod sa mga preparasyon bago ang grand coronation ng prestihiyosong beauty pageant.

Ito ang inamin ng Colombian beauty queen sa interview ng CNN Philippines na umere ngayong Miyerkules, February 1.

“My last preparations for the last stages, I was just a little tired and [that’s] very common, and that’s why I didn’t exactly give my 1,000 percent.

"I could have given more from me," pahayag ng dalaga sa tulong ng kanyang interpreter.

Isa si Andrea sa front-runners sa Miss Universe 2016.

Kilala ang Colombia bilang powerhouse sa beauty pageants, partikular na sa Miss Universe.

ANDREA LOVES THE PHILIPPINES. Naantig naman si Andrea sa suportang ipinakita sa kanya ng mga Pinoy, kaya abut-abot ang pasasalamat niya.

Sabi niya, “It is something that’s amazing for me to feel the acceptance of the Filipino and the value of the relationship, it created a bond.”

Sa mga lugar na napuntahan niya, pinakagusto raw niya ang Baguio.

“It’s amazing, it’s so so beautiful. The energy, acceptance, the service, the climate,” papuri ni Andrea.

Gusto raw niyang bumisita muli sa Pilipinas kung mabibigyan ng pagkakataon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN