Toni Gonzaga shows that working and breast-feeding can go together: "Talagang effort."

IMAGE Noel Orsal

Toni Gonzaga salutes her husband, director Paul Soriano, for being "the best partner ever" and a hands-on father to their four-month old son, Baby Seve.


Aktibo nang muli si Toni Gonzaga sa telebisyon, at hindi daw ito nakakaapekto sa kanyang personal na buhay bilang asawa ni Direk Paul Soriano at ina ng apat na buwan nilang anak na si Baby Seve.

Ayon kay Toni, “Nababalanse naman, okey naman kay Paul, supportive naman yun sa akin.”

Breast-fed si Baby Seve, “Pure, exclusive… talagang effort,” pagmamalaki pa niya.

At kitang-kita nga sa Instagram pictures ng baby niya kung gaano ito ka-healthy.

Mommy ang role ni Toni sa Home Sweetie Home, at ngayong isa na siyang ina, “mas may affiliation na ako sa role ko.”

Saad pa niya, “Sobrang enjoy, kasi close to heart.

“Takot nung una, pero ngayon mas comfortable na.”

Saludo daw si Toni sa asawa, “The best, the best partner ever, father.

“Disciplinarian? Parang pareho kami.”

Masayang nagkuwento ang TV host-actress ng buhay-pamilya niya sa presscon para sa third anniversary ng Home Sweetie Home na ginanap kagabi, January 31, sa ELJ bldg. ng ABS CBN.

Nagpapasalamat rin daw siya sa patuloy na pagsuporta ng mga manonood sa pinagbibidahang sitcom.

At dahil super close sila, nausisa rin kay Toni ang pagkakaroon ng boyfriend ng nakababatang kapatid na si Alex Gonzaga.

Lahad niya, “I’m happy for her, she deserves it.

“Ako, anybody who will love her unconditionally and faithfully, okey ako.”

Samantala, bumalik na rin si Toni sa hosting stints niya sa ASAP at Pinoy Big Brother.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN