Maituturing pa rin daw na panalo ang Pilipinas kahit hindi nakamit ni Maxine Medina ang korona sa 65th Miss Universe pageant.
Ayon sa main sponsor ng 65th Miss Universe na si Luis “Chavit” Singson, president at chairman ng LCS Group of Companies, maganda ang naipakita ng Pilipinas, hindi lamang sa Miss Universe candidates kundi sa buong mundo.
“Yes, talagang panalo tayo doon dahil naipakita natin ang mga magagandang tao, magagandang lugar, at saka ugali.
“For example, full support ang taong-bayan kay Maxine.
“Tapos, noong natalo siya, na-discourage sila, pero nag-cheer pa rin sila sa mga nanalo.
"Hindi sila yung natalo na, e, ayaw na nila.
“Nakita nila yung sportsmanship nating mga Pilipino, magandang ugali,” pahayag ng dating Ilocos Sur governor at ngayo'y konsehal ng Narvacan, sa panayam ng News To Go ng GMA News kaninang umaga, February 1.
GOOD FOR BUSINESS. Aminado si Chavit Singson na hindi niya nabawi ang $15 million na ginastos niya para sa pagdaraos ng Miss Universe dito sa Pilipinas.
Gayunman, sabi niya, “I consider hindi natalo, parang investment lang.
“For example, yung LCS Group of Companies, marami kaming kumpanya, madali naming mabawi 'yan basta dumami ang turista.
“Talo lang kami kung wala nang turista.”
Diin pa niya, “From the very beginning, hindi namin iniisip na kumita, e.”
Tinanong din si Chavit kung masusundan pa ang paghu-host ng Pilipinas sa Miss Universe.
Sagot ng dating Ilocos Sur governor, “Hindi ko alam. Pero, if ever, we're still willing to support.”
MISS U CANDIDATES ENJOY PHL STAY. Kapansin-pansin naman sa Instagram posts ng mga kandidata sa 65th Miss Universe na natuwa sila sa kanilang ilang linggong pananatili sa Pilipinas.
Sa Instagram post ni Miss Netherlands Zoey Ivory, na nakilala dahil sa kanyang “Single Ladies” viral dance video, lubos ang pasasalamat niya sa ipinakitang kabutihan sa kanya ng mga Pilipino.
Read: Why Miss Netherlands went viral before the Miss Universe finals show
Sabi ni Miss Netherlands sa isa niyang post: “My time in the #Philippines was indescribable and I will find it hard to leave you all!”
Kasunod nito ay nag-post din siya ng isang video na kuha naman mula sa airport nang paalis na siya ng Pilipinas.
Sabi ni Zoey sa caption: “Thanks for the warm goodbye. Unfortunately I have to leave, but I'll come back soon.
"It was a great experience like I've said many times before! Thanks for everything, I have never seen such kind people like the Filipinos before."
Nilagyan pa niya ito ng mga hashtag na "#missnetherlands #missuniverse #zoeyivory #itsmorefuninthephilippines"
Sa Instagram post naman ni Miss Israel Yam Kaspers Anshel, na kuha mula sa Baguio City, sinabi nito sa caption: “In love with the Philippines.”
Sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News, sinabi ni Miss Israel na mananatili pa siya sa Pilipinas para bisitahin ang ibang lugar ng bansa.
Samantala, ang Miss Universe 2016 1st runner-up na si Raquel Pellisier ng Haiti ay nagpasalamat din sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Pilipino.
“It's more fun in The Philippines right? Thank so much for the great hospitality and the treatment you give us,” sabi ni Miss Haiti sa kanyang Instagram post na kuha rin mula sa Baguio.
Halos ganito rin ang naging pahayag ni Miss Germany Johanna Acs sa kanyang Instagram post.
Aniya, “Thank you Philippines, you have made this experience the most incredible memory of my life! The very best choice for the host country of Miss Universe in history!
“To the Filipinos - the most humble, sweetest and welcoming people! And thank you to everyone who supported me throughout my journey, it means a lot to me!”