Watch Now

Ellen Adarna answers whether or not John Lloyd Cruz made a move on her

by Rachelle Siazon
Feb 1, 2017
Ellen Adarna on being friends with John Lloyd Cruz: "Matagal na kaming magkakilala. High school pa lang ako. Sa Cebu pa lang, hindi pa ako artista."

Tinuldukan na ni Ellen Adarna ang espekulasyong nagkaroon sila ng ugnayan ng Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz.

Ito ay matapos diretsahang tanungin ang Kapamilya sexy star kung may pagkakataong “nagparamdam” sa kanya si John Lloyd.

Maiksing sagot ni Ellen: “Hindi.”

Minsan nang naging usap-usapan sa social media ang larawan nina John Lloyd at Ellen na ibinahagi ng dalaga sa kanyang Instagram noong Oktubre 2016.

"Ako nalang" Ahhahahahahah "you had me at my..." #JLC #popoy&bashta lol

A photo posted by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on

Tiyempong parehong humarap sa press sina John Lloyd at Ellen para sa third anniversary celebration ng ABS-CBN sitcom na Home Sweetie Home, na ginanap sa 9501 Restaurant, sa ABS-CBN compound, kagabi, Enero 31.

Dito ay nilinaw ni Ellen, 28, na bago pa siya pumasok sa showbiz ay magkakilala na sila ni John Lloyd, 33.

Paliwanag ni Ellen, “Matagal na kaming magkakilala. High school pa lang ako.

“Sa Cebu pa lang, hindi pa ako artista.”

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na taga-Cebu si Ellen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon naman kay John Lloyd, nagkataong may show siya sa Cebu noong unang magkrus ang landas nila ng dalaga.

“Trabaho. May show yata kami. Kasama ko si Luis Manzano nun.

“Dun kami unang nagkakilala. We go from way way back,” sabi ng aktor.


Kuha nina John Lloyd at Ellen mula sa Home Sweetie Home presscon

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
John Lloyd Cruz Ellen Adarna
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna on being friends with John Lloyd Cruz: "Matagal na kaming magkakilala. High school pa lang ako. Sa Cebu pa lang, hindi pa ako artista."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results