(UPDATED) Camille Prats pregnant with first child with husband VJ Yambao

IMAGE Instagram of Camille Prats

Camille Prats and husband VJ Yambao look real happy about become parents again, as the actress-TV host announced she is pregnant with their first child. With them is Nathan, Camille's son by her late husband Anthony Linsangan.


Buntis na si Camille Prats sa magiging panganay nilang anak ng kanyang mister na si VJ Yambao.

Kinumpirma ni Camille ang pagdadalantao niya sa taping ng Mars ngayong araw, February 1.

Ang Mars ay ang Monday to Friday evening program nila ni Suzi Entrata sa GMA News TV.

Ibinahagi rin ni Camille ang magandang balitang ito sa kanyang Instagram account ngayong hapon.

Sabi niya sa caption ng larawan nilang tatlo nina VJ at Nathan, habang nakaturo sa kanyang sinapupunan:

"Yes, our gift from above came via express! it was a surprise and we are happy!"

Si Nathan ang anak ni Camille sa una niyang asawa na si Anthony Linsangan, na sumakabilang-buhay noong September 2011 dahil sa nasopharyngeal cancer.

Mapapanood sa February 7 episode ng Mars ang buong detalye ng pagbubuntis ni Camille.

Ikinasal sina Camille at VJ sa Nayomi Sanctuary Resort, sa Balete, Batangas, noong January 7, 2017.

Ang resort ay pagmamay-ari ng pamilya Prats, at ipinangalanan sa isa sa Prats siblings.

View: IN PHOTOS: Camille Prats and VJ Yambao's wedding

Gaya ni Camille, mayroon na ring isang anak na lalaki si VJ mula sa kanyang dating girlfriend.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN