Judy Ann Santos's Nanay Binay laid to rest

IMAGE Facebook (YES Magazine)

Judy Ann Santos's faithful and longtime yaya, Nanay Binay, was finally laid to rest today. Photo shows how distraught Juday's family is with the passing of Nanay Binay. (Inset) Nanay Binay and Juday during a photo shoot with the rest of the Santos family.


Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang yaya ni Judy Ann Santos na si Sabina Quintana, o mas kilala bilang Nanay Binay, nitong Miyerkules, February 1.

Ipinagdiwang pa ng pinakamamahal na yaya ni Juday ang 69th birthday nito noong Lunes, January 30.

Binawian ng buhay si Nanay Binay nitong Martes, January 31, dahil sa cancer at iba pang mga kumplikasyon.

Emosyunal naman ang Instagram post ni Judy Ann para sa kanyang yaya na tinawag pa niyang “the best nanay.”

Mensahe ng aktres: “Goodbye nanay... no more tubes, no more pain... you can now finally rest in peace..

“mamimiss ko lambing mo pag binibisita mo kami.. ikaw ang dahilan kung bakit andito ako ngayon..

“mahal na mahal kita nanay binay ko... #thebestnanay”

Si Nanay Binay ang nag-alaga kay Juday at sa mga kapatid nito habang nagtatrabaho sa ibang bansa ang ina ng aktres na si Mommy Carol.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN