PEP EXCLUSIVE. Vina Morales faces libel, slander, grave threats, and VAWC complaints

IMAGE Reielle Deslate / @empressofsly on Instagram

Sinampahan ni Avi Siwa (kanan) ng iba't ibang mga reklamo ang singer-actress na si Vina Morales (kaliwa) dahil sa diumano'y pambabastos nito sa kanya sa isang bar sa Taguig City, noong December 4, 2016. Itinakda na raw ang unang pagdinig ng mga reklamong ito sa February 14, 2017.


Sinampahan ng iba't ibang reklamo ng modelong si Avi Siwa ang singer-actress na si Vina Morales.

Ang mga inihaing reklamo ni Avi laban kay Vina ay libelo, slander by deed, grave threats, at paglabag sa R.A. 7610 o Violation Against Women and Children (VAWC).

Ito ay bunsod sa diumano’y panghahamon ng away ni Vina kay Avi noong December 4, 2016, sa isang bar sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig.

Read: Avi Siwa calls Vina Morales "low-life palingkera" after bar incident

Inihain ni Avi ang mga reklamong ito laban kay Vina sa Prosecutor's Office ng Taguig City noong unang bahagi ng January 2017.

Si Avi ay isang modelo at host ng defunct GMA-7 lifestyle program na Out.

COMPLAINT AFFIDAVIT. Miyerkules ng gabi, February 1, nagpadala si Avi sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ng kopya ng complaint affidavit na isinumite niya sa korte.

Dito ay isinalaysay niya ang diumano'y engkuwentro nila ni Vina sa Bank Bar sa BGC, bandang alas-11 ng gabi noong December 4.

Narinig daw niya ang Kapamilya star na sinabihan ang mga kaibigan nito ng: “Haha, ayan si Avi Siwa o buntis na naman nakakahiya at sinong ama? Haha.”

Lumapit din daw sa kanya si Vina at umambang susuntukin nito.

Sabi pa raw ni Vina sa kanya: “Ano ha, tapang-tapang mong buntis ka! Pakita mo tapang mo ngayon!”

Sinabi rin daw ng singer-actress ang mga sumusunod: “Bastardo anak mo! At least si Ceana ni-recognize ni Cedric at Malaki suporta… E, sa’yo, 28K lang haha. Kawawa ka!

“Hindi kasi kayo mahal ni Marc… wala siyang pake sa inyo! Tapos sinundan mo pa ulit.”


Buntis ngayon si Avi sa ikalawa niyang anak.

Si Ceana ay anak ni Vina sa dating karelasyon nitong si Cedric Lee.

Si Marc Lambert naman ang dating ka-live in at ama ng panganay na anak ni Avi.

Si Vina ngayon ang girlfriend ni Marc.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“MALANDI KA KASI.” Bukod sa mga masasakit na salitang ito, sinabihan pa raw siya ni Vina ng: “Basagin ko mukha mo dito, gusto mo?”


Ayon kay Avi, minabuti na lang daw nilang umiwas ng mga kaibigan niya at nagdesisyong lumipat sa ibang bar.

Pero hindi pa rin daw nagpaawat si Vina at sinabihan pa siya ng: "Buti nga sa’yo nabuntis ka! Malandi ka kasi!”

Sa February 14 magaganap ang unang pagdinig sa mga reklamong inihain ni Avi laban kay Vina.

Ibinahagi rin ni Avi sa kanyang Instagram ang tungkol sa paghahain niya ng reklamo laban sa singer-actress.


Nagpadala na ng mensahe ang PEP kay Vina upang kunin ang kanyang panig kaugnay ng mga inihaing reklamo ni Avi laban sa kanya.

Agad naming ilalathala ang pahayag ni Vina kapag sumagot na siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN