Enrique Gil admits misunderstandings with Liza Soberano

IMAGE Noel Orsal

Enrique Gil on giving assurance to Liza Soberano that he will be by her side all the time: "Kahit alam na niya na she's assured, I still have to assure her with the little things. And little things mean the most."


“In denial... masaya po kami... secret lovers.”

Ito ang pabirong sagot ni Enrique Gil nang tanungin tungkol sa kasalukuyang estado ng relasyon nila ni Liza Soberano.

Dagdag pa ng Kapamilya actor, “Para sa akin, label is a label.

“Kapag hindi pa puwede, respeto.”

Dahil dito ay mas nagkakasundo raw sila.

Pero bilang “special friends” ay hindi naman daw maiwasan minsan na nagkakasamaaan sila ng loob.

Saad ni Enrique, “Yeah, may isang beses.

“Siyempre, may times na may misunderstandings.

“Pero mahirap mag-explain. May misunderstandings kami.

“Normal naman yun, at kapag walang problema, dun ka na matakot.”

Ganunpaman, lagi naman daw ina-assure ni Enrique si Liza na sa kabila ng lahat ay mananatili siya sa tabi nito.

Aniya, “Sa lahat ng bagay.

“Kahit alam na niya na she's assured, I still have to assure her with the little things.

“And little things mean the most.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enrique sa grand presscon ng pelikula nila ni Liza, ang My Ex and Whys, nitong Miyerkules ng gabi, February 1, sa Dolphy Theater, sa ABS-CBN compound.

IN THE END. Umaasa ba siyang darating ang panahon na sila pa rin ni Liza ang magkakatuluyan?

Hindi direktang sinagot ng 24-year-old actor ang tanong.

Aniya, “Sa mga umaaasa at nagpapaasa.

“I mean, minsan kasi ay natatakot ang tao, e, dahil ini-expect nila na mangyari ang hindi pa nangyayari.

“Sabi ko, wala pang nakakaalam kung ano ang mangyayari o yung mangyayari pa lang.

“Baka in the future, you might regret dahil you never ever tried. Sa sobrang takot mo, e...

“Sa paniniwala nga ay sobrang tanga ang hindi magmahal, di ba?

“Kahit nagtatanga-tangahan ka, at least, nagmahal ka.”

Dugtong pa niya, “Masakit man minsan, pero at least, alam mong mas puno ang puso mo dahil nagmahal ka din naman.

“So, para sa akin, kahit mahal mo ang tao, kahit natatakot ka, magmahal ka pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Don't stop yourself from what you feel.

“If you stop yourself, dun yung mga tanong na, ‘Why?’ Di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN