Cops raid house of celebrity surgeon Joel Mendez over SSS case

IMAGE PEP File

Wala ang celebrity doctor na si Joel Mendez sa bahay niya sa Quezon City kaya hindi siya nasilbihan ng warrant of arrest, kaugnay ng non-remittance niya ng SSS contributions ng kanyang 40 empleyado mula pa noong 2011.


Sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ng celebrity and beauty doctor na si Joel Mendez upang arestuhin sana kaugnay ng hindi nito pagbabayad ng kontribusyon sa Social Security System (SSS) ng kanyang halos 40 na tauhan.

Umabot na sa halos P1.8 million ang dapat bayaran ni Mendez sa SSS para sa kontribusyon ng kanyang mga empleyado mula pa noong 2011.

Si Mendez ang may-ari ng Weighless Service Center.

Ayon sa ulat ng GMA News ngayong araw, February 2, wala raw si Mendez sa bahay niya sa Pugo Street, Barangay Talipapa, Quezon City, nang dumating ang mga pulis kaya hindi siya nahuli.

Nahaharap si Mendez sa kasong paglabag sa Section 22 (a) in relation to Section 22 (d) and 28 (e) ng RA 8282, o hindi pagre-remit ng buwanang hulog ng kanyang mga empleyado.

Ayon sa desisyon ng Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC), nahatulan si Mendez ng pitong-taong pagkakakulong at multang aabot sa P15,000.

Pinagbabayad din siya ng P1,865,667.50 para sa hindi niya nabayarang SSS contributions na may interes na 3 percent kada buwan mula pa noong July 2013.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN