Daniel Matsunaga quashes third-party talk in rumored breakup with Erich Gonzales

by Arniel C. Serato
Feb 3, 2017
Nakiusap si Daniel Matsunaga na hayaan na muna sila ni Erich Gonzales sa kanilang problemang pinagdaraanan ngayon. Tumigil na muna raw ang bashers.

Nakiusap si Daniel Matsunaga sa mga tagahanga nila ni Erich Gonzales na huwag silang i-bash dahil sa kanilang pinagdadaanan.

Aminado ang Pinoy Big Brother All In winner na mayroon silang problema ni Erich sa kanilang karelasyon na halos dalawang taon na ang itinagal.

Ayon kay Daniel, sana daw ay ibalato na muna sa kanila ni Erich ang kung anuman ang problema nila, dahil wala naman daw silang matinding away na dalawa.

Sabi ni Daniel sa kanyang komento sa isa niyang post sa Instagram kagabi, February 2:

“Whatever is happening between me and Erich right now should be between the 2 of us pls… we have nothing against each other and my love for her will always be there… so sa lahat ng mga haters, I just hope you guys respect her… tama na pls…. Grabe kayo.”


Continue reading below ↓

Matatandaang nitong nakaraang January 31, naging palaisipan sa mga tagahanga nilang dalawa—na kung tawagin ay DanRich—kung bakit burado na lahat ng larawan nila sa Instagram ni Erich.

Kaya naman lalong umingay ang balitang hiwalay na diumano ang dalawa.

Read: Daniel Matsunaga and Erich Gonzales break up?

THIRD PARTY? Samantala, usap-usapan sa social media na may matinding pinagdaraanan ang dalawa kaya humantong sa hiwalayan ang dati nilang matatag na relasyon.

Lalo pang uminit ang usap-usapan dahil sa pag-unfollow sa Instagram ni Erich kay Daniel at sa iba pang kamaganak nito.

Tanong tuloy ng netizens ay kung may third party ba sa napabalita nilang hiwalayan?

Na kaagad naman pinabulaanan ni Daniel.


Continue reading below ↓

Matutuloy din daw ang matagal na nilang naka-schedule na show sa California sa February 17.


Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa maaring ihayag nina Daniel at Erich tungkol sa balitang ito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakiusap si Daniel Matsunaga na hayaan na muna sila ni Erich Gonzales sa kanilang problemang pinagdaraanan ngayon. Tumigil na muna raw ang bashers.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results