John Lloyd Cruz explains absence from teleseryes: 'I work for the network. It's their call.'

IMAGE Noel Orsal

John Lloyd Cruz is honored to be named one of Pulse Asia's People of the Year. "At least, tao pa rin ang tingin nila sa akin," he jokes. "Salamat, salamat."


Matagal na rin ang huling teleserye ni John Lloyd Cruz, yung A Beautiful Affair nila ni Bea Alonzo.

 “It’s been ages,” nakangiti niyang pag-amin.

 Ayaw na niyang mag-teleserye?
 
“Hindi naman po ako ang may ayaw, hindi lang po siguro siya nangyayari.

“Kung nakikita niyo naman, in the last three, four years, I was able to prioritize my film, which is not bad at all.
 
“Kasi hindi naman tayo walang ginagawa lang, nagta-trabaho pa rin tayo.”
 
Dugtong pa niya, “At saka, hindi naman talaga ako ang may hawak.

“I work for the network. It’s their call, not mine. 
 
“’Yun ang problema, parang nagkakaroon ng misconception ang audience na ayaw ko na.

“Unang-una po, hindi po ako ang may-ari ng kumpanya, so, it’s not my call,” natatawang sabi niya.
 
Naghahanap siguro ang ABS-CBN ng tamang materyal para sa kanya?
 
“Siguro, siguro,” tugon niya.

Nakausap namin si John Lloyd kamakailan sa presscon ng ikatlong anibersaryo ng sitcom nila ni Toni Gonzaga na Home Sweetie Home

CONTENT, NOT THE STARS. Ginagawa na raw ang script ng bagong pelikulang pagtatambalang muli nila ni Sarah Geronimo.
 
Kung teleserye ba ito ay papayag ang aktor?
 
“Why not?” mabilis naman niyang sagot. “Basta ako, I’m always after the story.

“Kung ano yung ikukuwento natin, kung ano yung gusto nating ibahagi sa audience, sa mga fans.
 
“Siyempre, hindi naman puwedeng bangkuhan lang ang mga pangalan.

“Sa panahon ngayon, we should never take for granted yung content.

“Basta may magandang kuwento, available siya at available ako, bakit hindi.”

Kamakailan lang, pinarangalan siya bilang People of the Year ng Pulse Asia.
 
“Well, at least, tao pa rin ang tingin nila sa akin,” biro niya.
 
“Wala, they are great guys in People Asia. Salamat, salamat.”

A CALL TO UNITE. Gumagawa rin si John Lloyd ng mga indie films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pabor ba siya sa rekomendasyon ni Senator Tito Sotto na paghiwalayin ang festival ng indie at mainstream movies tuwing Kapaskuhan?
 
“I don’t want to start a word war with anyone, mahirap yun, e,” saad niya.
 
“Ang mga ganitong bagay, kung gustong pag-usapan, merong tamang venue para rito, tamang forum.

“Kapag ganitong paraan, nagkakaroon lang ng mga palitan ng salita, which is not really beneficial para sa industriya.”

Lahad pa niya, “Kalimutan na natin yung division ng indie at mainstream. 

“Kasi hindi talaga siya nakakatulong sa industriya.

“Imbes na nagkakaisa, nahahati pa.
 
“Let’s not work para mahati ang industriya, let’s work para magka-isa lahat.”
 
 
 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN