Julie Anne San Jose avoids talk comparing her to Pia Wurtzbach

Julie Anne San Jose refuses to dwell on the past of rumored boyfriend Benjamin Alves, who was once linked to Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. Julie Anne says, "What's important is now. Right now naman po ine-enjoy po namin yung company ng isa't-isa. Marami po kaming mga bagay na nase-share."

 


Ayaw nang pag-usapan pa ni Julie Anne San Jose ang nakaraan ni Benjamin Alves na minsang na-link sa Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach.

Si Benjamin kasi ang napapabalitang espesyal na lalaki sa buhay ngayon ni Julie Anne kaya hindi rin maiwasang makumpara siya kay Pia.

Aniya, “Let’s just not bring back kung anuman po yung nangyari before, what’s important is now.

“Right now naman po ine-enjoy po namin yung company ng isa’t-isa.

“Marami po kaming mga bagay na nase-share… from the most random things hanggang sa mga seryosong bagay.”

Isa sa mga seryosong bagay na pinag-uusapan nila ay makapagbiyahe silang pareho sa Guam para makilala ni Julie Anne ang mga magulang ng binata na doon nakatira.

“Hopefully, kasi na-meet na po ni Ben ang parents ko, e.

“Ako naman gusto ko ding ma-meet yung family niya,” pahayag pa ni Julie Anne.

Speaking of family, isang beses pa lang daw at napakatagal na ng paghaharap nina Julie Anne at Piolo Pascual, na tiyuhin ni Benjamin.

“Pero, siguro hindi niya po ako matatandaan kasi medyo bata pa po ako nun, e,” kuwento ng singer-actress-TV host.

“Madalas naman pong ikinukuwento sa akin ni Ben…Kuya PJ nga po ang tawag niya.

“Ang tawag ko po, Sir Piolo,” sabi niya, habang banggit na minsan raw ay naging crush niya ito.

“Siguro more on admiration, admiration po talaga.

“Kasi he’s a very good actor, and malapit din po sa mga tao, sa mga fans.”

Dugtong pa niya, “Wala naman pong taong hindi magkakagusto sa kanya, and and he’s very humble.

“Iyon nga po ang ikinukuwento ni Ben, lahat po ng mga humble beginnings ni Sir Piolo.”

Pero hindi pa raw siya naipapakilala ni Benjamin kay Piolo, “I think it would be very nice to meet him some day.”

Samantala, bida sina Julie Anne at Benjamin sa GMA drama series na Pinulot Ka Lang Sa Lupa, sa direksyon ni Gina Alajar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN