Nanawagan ng dasal ang pamilya ni Nadia Montenegro, 44, dahil nasa kritikal na kondisyon ngayon ang partner nitong si Macario 'Boy' Asistio, 80.
Noong February 1, isinugod ni Nadia si Boy sa ospital dahil nag-cardiac arrest ito.
Comatose ngayon ang dating mayor ng Caloocan, na naka-confine sa isang ospital sa Quezon City.
Hiling ni Nadia sa Diyos na sana ay pahabain pa ang buhay ng kanyang long-time partner.
Bago pa nito ay labas-masok na si Boy sa ospital.
PRAYER WARRIORS. Pati ang mga anak nila ni Boy na sina Ynna at Alyana Asistio ay dasal din ang hiling para sa kanilang pinakamamahal na ama.
Ito na lang din daw ang kanilang pag-asa sa ngayon upang madugtungan pa ang buhay ng kanilang padre de pamilya.
