Ara Mina is witness to sweetness of Liza Soberano and Enrique Gil

IMAGE Noel Orsal

Ara Mina on LizQuen: "Sobrang sweet sila na parang best friends."


Saksi raw si Ara Mina sa sweetness nina Liza Soberano at Enrique Gil habang ginagawa ang pelikulang My Ex and Whys ng Star Cinema.

Ngunit nilinaw niya na ang relasyon ng Kapamilya love team ay hindi pa yung tipong boyfriend-girlfriend.

Kuwento ni Ara, na gumanap bilang ina ni Liza, "Hindi pa, hindi pa sila.

"They're very, very close, hindi malayong maging sila.

"Pero, hindi pa talaga sila."

Dahil daw dito kaya natatawa rin siya sa pambubuking ni Direk Cathy Garcia-Molina, na parang “cat and dog” ang dalawang young stars sa set.

Nakangiting sabi ni Ara, “Yun nga, nag-aasaran sila.

“Nag-aasaran sila kahit petty, ano...ang cute nila.

“Na-witness ko kasi sa set, ako ang kukunan next after nila.

“Andun ako katabi ni Direk at nanonood kami sa monitor.

“So, ganunan sila, habang naghihintay ng take.

“Sabi ni Direk, 'Tingnan mo 'tong dalawa.'

“Sabi ko naman, 'Ang cute nila.'"

Hindi raw niya ginagatungan ang asaran ng dalawa o maging ang paglalambing nila sa isa't isa.

Ani Ara, "Hindi naman ako dumating sa point na ganun kasi first time kong makatrabaho sila.

"Nakakahiya naman na, 'Oy...oy.'

"We're not yet that really close pa."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Enertainment Portal) at iba pang reporters sa press conference ng My Ex and Whys, sa Dolphy Theater, sa ABS CBN compound, noong February 1.

SWEET BEST FRIENDS. Pangatlong pelikula na ng LizQuen love team ang My Ex and Whys, na ipapalabas na sa Febuary 15.

Napapansin ba niyang in love sila sa isa't isa?

Sagot ni Ara, "Basta, sobrang sweet sila na parang best friends.

"Alam mo naman minsan ang best friends, nagkakatuluyan.

"Ganun sila, ganun ang nakikita ko sa kanila."

Dumating ba yung time na humingi si Liza sa kanya ng love tips bilang siya ang nakakatanda at malawak na rin ang karanasan sa aspetong ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, "Hindi naman, kasi masyado kaming pressured sa time namin dun sa shooting.

"Kapag ano, simpleng kuwentuhan lang at natutulog kami.

"Hayun lang."

Samantala, naitanong namin kay Ara kung ano ang naging impresyon niya kay Liza.

"Oh, I love her. I really love her,” sabi ni Ara.

“She's very professional at sobrang malaki ang potensiyal niya.

“Sikat na siya, at lalo pa siyang sisikat.

“Napakagandang bata at talagang mas mag-e-evolve pa yung akting niya.

“Mas lalalim pa lalo na't kapag magka-experience pa siya.

“Pero, she's very naive at napaka-sweet.

“Minsan nga, 'Tita, ang sexy mo.' Hay, parang nagugulat na lang ako.

“Mabait talaga siyang bata."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN