Dayanara Torres recalls breakup with Aga Muhlach years ago: "I do remember being hurt and wanted to go."

IMAGE Photo grabbed from ANC

Miss Universe 1993 Dayanara Torres talks about breakup with Aga Muhlach and the possibility they may do a movie again after two decades. 


Limang taon ang itinagal ng relasyon noon nina Miss Universe 1993 Dayanara Torres at ng aktor na si Aga Muhlach.

Sila rin ang mga bida sa 1995 hit movie na Basta’t Kasama Kita.

Nasa Pilipinas pa ngayon ang Puerto Rican beauty queen, matapos nitong maging isa sa mga hurado sa katatapos na Miss Universe 2016 pageant na ginanap sa bansa.

Sa panayam sa kanya ng Headstart ng ANC ngayong Biyernes, February 3, nausisa si Dayanara kung magkaibigan pa ba sila ng former matinee idol.

“We haven’t seen each other or talked for a long time. Our paths moved in different ways, but we’ll always have great, great memories,” sagot niya.

Tinanong din siya kung “bad breakup” ba ang nangyari sa kanila ni Aga.

“It wasn’t a terrible breakup, but I do remember being hurt and wanted to go.

"I wanted to pack my stuff, but it was the way it was supposed to be.”

Umalis ng bansa si Dayanara noong 1998 at pumasok sa showbiz sa Puerto Rico at kalaunan ay sa Hollywood sa Amerika.

Nagpakasal siya sa kapwa-Latinong si Marc Anthony noong May 2000, at nagkaroon sila ng dalawang anak na lalaki, sina Cristian (16) at Ryan (13).

Nag-divorce sila noong 2004. Habang nanatiling single si Dayanara, si Marc Anthony ay nagpakasal kay Jennifer Lopez, aka J Lo, bagamat hiwalay na rin sila ngayon.

Samantala, si Aga ay ikinasal sa isa pang beauty queen-actress, si Charlene Gonzalez. May dalawa silang anak.

DOING MOVIES IN THE PHILIPPINES. Tinanong si Dayanara kung bukas ba siya sa posibilidad na gumawa ng pelikula kasama ni Piolo Pascual.

“I would love to do a movie with Piolo. I have to see…” sagot niya. “That would be great.”

Handa rin daw si Danayara na magsama silang muli ni Aga sa isang pelikula.

“You know, Basta’t Kasama Kita, I’ve said it before, is such a classic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And all the people on Instagram and everywhere, they just write... ‘Do a second Basta’t Kasama Kita.’

"That would be great idea,” lahad niya.

Pwede rin daw siyang gumawa ng pelikula sa ilalim ng Star Cinema sa loob man o labas ng bansa, “Absolutely. As long as I can bring my kids."

Paliwanag nito, "So, if it’s the summer or on a spring break, or Christmas, whenever it’s a break, I can bring my kids. I can stay longer.”

Nakatakda ring lumabas sa ASAP si Dayanara ngayong Linggo, February 5, para sa ika-22nd anniversary ng variety show.

Isa si Dayanara sa mga orihinal na hosts ng ASAP ng ABS-CBN, kasama sina Martin Nievera, Pops Fernandez, at Ariel Rivera.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN