Newbie singer James Wright bent on also becoming an actor

James Wright: "I want to grow. I want to know kung kaya kong gawin yung mga Bayaniserye, yung mga tipong Jose Rizal. Ang sinasabi ko lagi is dapat may right timing, e."

 


Nag-audition ang 21-year-old balladeer na si James Wright para sa male lead ng nalalapit na seryeng My Love From The Star.

Ang GMA-7 adaptation ng sikat na Korean drama series ay pagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva, at tinatayang magiging isa sa pinakamalaking proyekto ng Kapuso network.

Hindi pinalad ang newbie singer at napunta nga ang bidang role kay Gil, na isang modelo at baguhang aktor din.

Paliwanag ni James, “Sabi nila hindi ako mukhang Koreano, so hindi ako pumasa.”

Sumama ba ang loob niya?

“Hindi naman, kasi I’m really a singer talaga.

“Pero, siyempre naman, pag may acting opportunities, why not?

“Take every chance in life, pero if I’m not accepted in a role, hindi naman masama ang loob ko, e.

“Ang importante is may something kahit papaano, kasi pag wala kang trabaho, wala.”

Dagdag pa ng bagong aktor, “Tinatanggap ko na na yung music industry ngayon, medyo mahina compared to dati.

“Dati, pag may album ka, pag may CD ka, magaling ka talaga.

“Ngayon, parang lahat may CD, so I have to think of something different kaya nagkaroon ng this album.

“To show a sort of versatility within the GMA network, na hindi lang iisa ang path ng isang artista."

TRUSTING PEOPLE AROUND HIM. Nag-audition rin daw si James para sa Meant To Be, pero ang mga may foreign blood na sina Ivan Dorschner at Addy Raj ang nakuha.

“Ang sinasabi ko lagi is dapat may right timing, e.

"Sabihin na nating maganda yung opportunity, but if the network and the producers don’t believe na bagay ako dun…

“Sino ba ako para magsabi na bagay ako dun?”

Dahil guwapo at may dugong foreigner, puwede rin sana si James sa papel ni Ivan sa Meant To Be.

Sabi naman ng 21 anyos na binata, “Siyempre, you’re an artista, you think you’re perfect for every role, kayang-kaya mo lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero yung mga tao sa likod mo, sa paligid mo, sila yung mas may alam.

“Yung mas matagal na sa industriya, hindi ako.

“Sumasali ako sa mga auditioning tapes, mga auditioning roles.

“Pero, I guess it just wasn’t meant for me.”

Hindi naman raw magsasawa si James mag-audition sa mga acting projects.

“Kasi, ako yung tipo ng tao na I believe na everything happens for a reason.”


LEARNING TAGALOG FAST. May plano naman daw si James at ang GMA para sa kanyang career.

Pahayag niya, “We’re trying to explore James Wright as an artist kasi I want to grow.

“I want to know kung kaya kong gawin yung mga Bayaniserye, yung mga tipong Jose Rizal.

“Pero sa tingin ko hindi kaya kasi medyo mababa ang Tagalog ko,” sabay tawa ni James.

Pero tila humuhusay na siyang managalog ngayon?

“Kasi pinush talaga na mag-aral ako ng Tagalog.

“GMA Network, and GMA Artist Center especially, said kung gusto kong mag-teleserye o mag-interact sa mga fans, sa audience, kailangang mag-Tagalog.”

JAMES WRIGHT, SINGER. Mula sa GMA Records naman ay may bagong album na ire-release si James.

Ito ay ang Just Wright album na naglalaman ng anim na kanta, kasama ang “My Destiny,” na theme song ng My Love From The Star.

Ikatlong pagkanta ito ni James ng theme song ng isang teleserye.

Una ay ang theme song ng Destiny, ang “Kung Hindi Ikaw,” at pangalawa ang theme song ng Carmela, ang “Sana’y Ikaw.”

Lahad ni James, “Siyempre, malaking blessing iyon sa akin.

“Bago pa rin ako, pero GMA is still trusting me with this responsibility to sing these theme songs.

“Kaya malaking bagay talaga yung mga songs na ito.”

Ang Just Wright album ni James ay naglalaman ng “Ibig Bang Sabihin,” “Lahat Ng Aking Pag-Ibig,” “Open Up, Mahal Na Nga Kita,” at “Please Come Back.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin sa album ang mga minus one ng mga nabanggit na awitin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN