Paulo Avelino denies lacking time for son Aki

IMAGE Noel Orsal

Despite a busy schedule, Paulo Avelino says he always finds time for his son: "Gagawa at gagawa ako ng oras para sa anak ko."


Busy man sa trabaho, sinisiguro raw ni Paulo Avelino na palagi siyang may oras para sa anak na si Aki.

Si Aki ay anak ni Paulo sa dating girlfriend na si LJ Reyes.

Sa huling interview ni LJ, tinanong ito ng mga reporters tungkol kina Paulo at Aki.

Dito sinabi ng aktres na hindi nakikita ni Paulo si Aki dahil masyadong busy ang aktor, na ngayon ay nasa bakuran ng ABS-CBN.

Pinabulaanan ito ni Paulo, sa pakikipag-usap naman nito sa press, kasama ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), habang nagpo-promote ng nalalapit na pelikula niyang I'm Drunk, I Love You.

Sinabi nito, “Basta para sa anak ko, gagawa ako palagi ng oras. Gagawa at gagawa ako ng oras para sa anak ko.”

Ngunit inamin din nitong sa ngayon ay talagang bihira niyang makita ang anak.

Dagdag niya, "Pero inaayos, may mga pag-uusapan."

Matapos nito ay ayaw nang magkomento pa ni Paulo sa usapin ng anak at gayundin sa naging pahayag ni LJ.

Sa huli, siniguro lang niya, "Basta ako, ito lang ang masasabi ko, mahal na mahal ko ang anak ko. At lagi akong available para sa anak ko."

NO MORE I LOVE YOUS. Ngunit dahil Valentine's Day presentation ang I'm Drunk, I Love You, di maiwasan ni Paulo ang mga tanong tungkol sa love life niya.

Sa pagkakatanda raw ni Paulo, ilang taon na ang nakalilipas mula nang huli siyang magsabi ng "I love you" sa isang babae.

Kaugnay nito, itinanggi niyang nagkaroon siya ng relasyon sa isang non-showbiz girl na nakasama pa niya sa Amanpulo.

"Inaamin ko naman na nag-date kami. Pero, busy pareho," saad niya.

Posible bang dahil naintriga sila agad kaya hindi natuloy sa seryosohang relasyon?

"Well, isa yun. Pangalawa, naging busy rin sa A Promise of Forever.

“’Tapos, ginagawa ko pa itong I'm Drunk, I Love You, at this year, sisimulan ko na rin ang Goyong."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isang banda, inamin naman ni Paulo na nakaka-miss din daw yung may sinasabihan siya ng mga salitang 'I Love You'.

Aniya, "Namimiss, siyempre.

"Pero kapag nag-eeksena naman kami sa TV, palagi rin naman naming nasasabi yun.

"Pero talagang sa ngayon, sobrang busy. May magsa-suffer lang."

Ang huling napabalitang nakarelasyon ni Paulo na tiga-showbiz ay si KC Concepcion, na sinundan pa ni Paulo sa New York sa isang bakasyon ng dalaga roon.

Nagkomento rin nang paborable kay Paulo ang ina ni KC, si Megastar Sharon Cuneta.

Ngunit kalaunan ay natapos din ang chapter na ito sa buhay ni Paulo.

MOVIE WITH MAJA SALVADOR. Ang binanggit ni Paulo na I'm Drunk, I Love You ay isang indie film na pinagbibidahan niya at ni Maja Salvador.

Ipapalabas ito para sa Valentine's Day, yun nga lang, makakasabay nito sa takilya ang isang malaking romantic movie mula sa isang malaking produksiyon.

Bukod sa pagiging bida ng I'm Drunk, I Love You, nag-invest din si Paulo sa pelikula bilang isa sa mga producers.

Kaya naman, pag-amin niya, "May pressure rin. Ako naman, more than earnings or box-office or kumita ng milyon-milyon ang pelikulang ito, mas gusto ko na mapanood ng mga tao.”

Dagdag pa ni Paulo, "First time rin ng director namin na gumawa ng pelikula.

"Hindi ko naman sasabihin na first time kong gumawa ng ganitong pelikula, pero kakaiba siya.

"Gusto ko siyang mapanood more than kumita, pero, siyempre, kailangan din mabawi yung ginastos ng mga producers."

Sinisigurado pa rin ni Paulo na kikiligin sa I'm Drunk, I Love You ang mga manonood nito.

"For sure, hindi na lamang para sa akin at kay Maja kundi pati na rin sa mga nangyayari sa pelikula."

Ayon sa director ng pelikula na si JP Habac, mismo raw si Paulo ang nagrekomenda kay Maja na maging leading lady nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi pa kasi kami nagkakasama ni Maja for a film. Kailangan kumakanta rin yung babae," paliwanag ni Paulo.

Pagkatapos ay inamin niya, "Crush ko siya dati.”

Kaya naman tinanong siya kung bakit hindi niya ito niligawan sa ilang beses nilang pagsasama.

"Mahirap kasi kapag alam mong magkasama kayo, mahirap sa trabaho.

"Sa ngayon, pareho kaming nagku-concentrate sa trabaho."

Bago ng I’m Drunk, I Love You, nagkasama na rin sa teleseryeng Bridges of Love sina Maja at Paulo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN