Martin del Rosario not rushing to have girlfriend just to debunk gay rumors

IMAGE Noel Orsal

Martin del Rosario says he's not in a rush to have a girlfriend just to debunk persistent gay rumors: "Hindi ko naman kailangang madaliin dahil sa mga tsismis. Kasi enjoy ako with my family, with friends. Masaya naman ako as of now. Dadating naman yung lovelife."


Walang karelasyon si Martin del Rosario, 24 anyos, ngayon.

Hindi raw niya kinakarir na magka-girlfriend para lang huwag matsismis na bading siya.

Diin niya, “Hindi, hindi. Hindi ko naman kailangang madaliin dahil sa mga tsismis.”

Talagang wala pa siyang karelasyon?

“Kasi, enjoy ako with my family, with friends. Masaya naman ako as of now.

“Dadating naman yung lovelife,” wika pa ng 24 anyos na Kapuso hunk nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong January 16, sa 17th floor ng GMA-7.

READY FOR DARING ROLES. In terms of acting, hanggang saan ba ang kaya ni Martin na pagpapaka-daring sa harap ng kamera?

Kaya ba niya ang all-out gay role?

Mabilis niyang sagot, “Oo, okay lang sa akin.”

Paano kung may love scene siya sa kapwa niya lalaking artista?

Lahad ni Martin, “Depende sa sasabihin ng GMA Artist Center.

“Kung ako ang tatanungin, depende sa story e, kung sobrang ganda sa pagkakasulat.

“Tsaka kikilalanin ko muna, maraming factors, e.

“Kilala ko ba yung direktor? Dapat maganda yung pagkasulat.

"Pag nagustuhan ko, ipapasa ko sa manager.

“Pag humindi ang manager, hindi na.”

Papayag ba siyang gumanap bilang macho dancer sa pelikula?

Aniya, “Okay lang. Hindi ko pa nagagawa pero parang okay lang.”

Paano kung skimpy trunks lang ang suot niya habang gumigiling sa harap ng kamera?

“Okay lang kung maganda yung story.

“Actually, interesting nga e, di ba?

“Interesting malaman yung story ng mga macho dancer.”

Nakapag-portray na ng role ng isang macho dancer si Martin sa TV, sa isang episode ng Wagas.

Sa pelikula raw kung sakali, kahit mas daring at sexy ay papayag si Martin.

Muli niyang diin, “Basta maganda yung istorya, pang-award.”

Di naman nagsasalita lang sa wala ang batang aktor.

Nanalo na ng award si Martin bilang New Movie Actor sa Star Awards ng PMPC.

Siya rin ang nagwagi ng Breakthrough Performance By An Actor sa Golden Screen Awards para sa Dagim noong 2011.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa mga ito, nakuha rin ni Martin ang Best Supporting actor award mula sa Gawad Urian para sa pelikulang Dagitab noong 2015.

HOPING TO WIN BEST ACTOR AWARD. Nais din ni Martin na balang-araw ay manalo ng Best Actor award.

Pag-amin niya, “Siguro isa siya sa mga goals ko.

“Pero, hindi ko siya tinatrabaho na… hindi siya nauuna sa isip ko na, ‘Itong project na ito pang-Best Actor ito!’

“Kasi stress yun. Tsaka ano lang, ako ginagawa ko lang talaga yung pinaka-best ko sa lahat ng ginagawa ko.”

Dalawang taon na sa GMA si Martin.

May tatlong taon pa siyang hinaharap sa limang taong kontratang pinirmahan niya bilang Kapuso.

Sa dalawang taong pinagdaanan niya, ano ang masasabi niya bilang isang Kapuso?

Saad niya, “Masaya akong maging Kapuso!

“As in, may mga plano sila para sa akin, magagandang plano.

“At pinagkakatiwalaan ko naman sila sa mga plano na sinasabi nila sa akin.”

ONGOING TELESERYE. Ngayon ay napapanood si Martin sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa sa GMA.

Gumaganap ito bilang si Kiko, habang si Julie Anne San Jose ay gumaganap bilang si Santina, si Benjamin Alves, bilang Ephraim, at LJ Reyes, bilang Angeli.

Kasama rin sa serye, na idinidirehe ni Gina Alajar, sina Jean Garcia bilang Diony Esquivel, Ara Mina bilang Mariz, at Victor Neri bilang Cesar.

Nasa cast din sina Allan Paule bilang Hector, Geleen Eugenio bilang Yoleng, Janna Dominguez bilang Chona, at Lharby Policarpio bilang Boggs.

BUSINESSES. Bukod sa pag-aartista ay may negosyo rin si Martin, ang The Armory resto-bar sa Quezon City.

Bukod dito ay nakapagpundar na siya ng condo unit.

Aniya, “Pero, plano ko ring ibenta after mga three years para bumili ulit ng condo, parang buy and sell.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN