Kris Bernal is still a Kapuso: "Wala akong naging reklamo sa network ko... walang tampo."

IMAGE Rose Garcia

Despite entertaining offers from rival networks, Kris Bernal explains why she chose to renew her contract with the Kapuso network: "I chose to stay, kasi pakiramdam ko, after ng mga meetings ko, after ng kung sinu-sinong tao ang nakakausap ko, naisip ko, GMA pa rin ang magbibigay sa akin ng proyekto na makakahasa sa akin."


Nag-first taping day na si Kris Bernal para sa bago niyang Kapuso teleserye kahapon, February 3.

Sa may Agham Road, Quezon City, ginanap ang location shoot para sa Impostora, kunsaan gagampanan ni Kris ang dual role bilang sina Nimfa at Rosette.

Ang bagong serye ay hango rin sa pelikulang Sa Isang Sulok ng mga Pangarap na pinagbidahan ni Alice Dixson noong 1994.

May isang taon din daw nabakante si Kris sa teleserye.

Ang huli niyang ginawa ay ang Little Nanay, at masaya naman daw siya, na sa pagbabalik niya ay Kapuso pa rin siya.

Pag-amin niya, "Nakaka-miss and happy ako na it's still with GMA.

“It's very different from the last one I did, sa Little Nanay.

“Yun naman ang gusto ko e, yung nae-explore ko ang capabilities ko, yung kaya ko pang gawin."

WINDOW SHOPPING.” Nabalita na muntik na niyang iwan ang home network niya.

May mga balitang nagpunta siya sa Star Magic at nakipag-meeting. May balita pang kinausap din niya ang Viva.

Ano nga ba ang tototo?

Paliwanag niya, "Kasi, in all honesty, I've been in the business for eleven years already and I've been with GMA.

“Masayang-masaya ako dahil palaging lead roles ang binibigay nila sa akin.

"There was a time that my contract got expired, and since malaki na rin naman na 'ko, 27 na 'ko, puwede na rin akong mag-decide, puwede ko na ring pag-isipan.

"Nagkaroon lang ako ng year, that was a year na may contract was under negotiation."

CHANGES IN CONTRACT. Pinabigyang-linaw naman namin kay Kris kung ano ang ibig sabihin ng “under negotiation” ang kontrata niya.

Aniya, "Maraming binabago, maraming changes.

“May renewal ako ng contract under GMA, pero maraming changes."

Hindi ba niya nagustuhan ang mga pagbabago?

Saad niya, "Hindi naman, pero siguro nag-try lang ako na i-open ang sarili ko sa iba.

“Sinubukan ko lang naman. Parang ayoko nang i-close ang sarili ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin naman ni Kris na sa loob ng labing-isang taon, nag-entertain din siya ng mg offer mula sa ibang network.

"Totoo yun, nag-entertain naman talaga ako ng ibang offer," sabi niya.

DECIDING FACTOR. Pero dahil pinagbibidahan niya nga ngayon ang bagong afternoon prime ng GMA-7 na Impostora, masasabing ang pagiging Kapuso pa rin ang pinili niya.

Ano ang naging "deciding factor" niya para manatiling Kapuso?

Deklara niya, "I chose to stay, kasi pakiramdam ko, after ng mga meetings ko, after ng kung sinu-sinong tao ang nakakausap ko, naisip ko, GMA pa rin ang magbibigay sa akin ng proyekto na makakahasa sa akin.

"Kasi yun lang naman ang gusto ko, makakahasa pa sa puwede kong gawin, yung makakapag-explore pa 'ko.

“At pakiramdam ko, yun nga, GMA pa rin ang magbibigay sa akin,"

STILL GRATEFUL TO GMA. Mismong si Kris na rin ang nagpaunang nagsabi na masaya siya sa mga proyektong nagawa sa GMA dahil halos lahat, siya ang bida.

Pero masasabi bang nakulangan pa rin ba siya?

Pagklaro ni Kris, "Hindi, hindi ako nakukulangan.

“Feeling ko nga, ang kapal pa ng mukha ko.

“In fairness, from the time na nag-start ako sa StarStruck, puro bida na yun.

"Tapos every year, may show ako.

"So, wala akong naging reklamo sa network ko.

“As in, wala. Walang tampo.

“Yun lang, nagkaroon lang ako ng time na... naisip ko na, 'Ano kaya ang puwedeng mabigay ng iba? Ano kaya ang puwedeng gawin ng iba for me?'

“Yung ganun."

NOT TEMPTED BY OTHER OFFERS. Pumirma na raw muli si Kris ng bagong three-year contract with GMA-7.

At sa tatlong taon na iyan, sa ilalim pa rin daw siya ng pamamahala ng GMA Artist Center.

Tinanggap din naman daw niya ang mga pagbabago sa kontrata niya.

Diretsahan namang tinanong si Kris kung wala ba sa mga naging ka-loveteam niya dati ang nagbuyo sa kanya para lumipat ng network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala, wala! Hindi, hindi!" saad niya.

Napasubo naman sa kinakain niya si Kris nang itanong namin kung muntik na rin ba siyang ma-tempt sa offer ng ABS-CBN.

Pero sabi rin niya, "Hindi, inalam ko lang.

“Hindi naman ako na-tempt."

CHALLENGING ROLE. Inamin din naman ni Kris na ang bagong seryeng Impostora, kunsaan makakatambal niya sa kauna-unahang pagkakataon si Rafael Rosell, ang isa sa nagbigay sa kanya ng dahilan para manatiling Kapuso.

Nagustuhan daw talaga niya ang kanyang bagong karakter, kunsaan dual roles ang gagampanan niya.

Ani Kris, "Isa talaga 'to sa nagpa-decide sa akin.

“Gusto ko talaga yung hindi ko pa nagagawa.

“Gusto ko siyang laruin."

Nagpapasalamat din daw siya dahil halos nakatambal na rin niya ang iba-ibang Kapuso leading men.

Ngayon nga ay si Rafael ang kapareha niya.

Pagpapasalamat niya, "Very thankful din ako kasi inikot din ako ng GMA.

“At para ibigay nila sa akin si Dennis [Trillo] noon, malaking bagay na yun.

“Tapos ngayon, ibinigay nila ako kay Rafael.

“Siyempre, para sa akin, parang feel ko, importante, or kaya pang mag-improve.

"May tiwala pa rin sa akin."

BASHERS. Hindi rin daw nakaligtas si Kris sa mga bashers nang mabalitang nakipag-usap siya sa ibang network.

"Ang dami!" mabilis na pahayag ni Kris.

"Actually, isa rin yun sa kinunsider ko.

“Yung iba gusto, yung iba, ayaw.

“Ang hirap timbangin.

“Minsan hindi ko na lang binabasa, kasi yung desisyon naman nasa akin at sa family ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN