Jenine Desiderio tweets warning to mystery guy linked to Janella: "Clean up your act or it's the end of you."

IMAGE Instagram

Jenine Desiderio (right) takes to social media to warn a mystery guy whom she says has questionable intentions for her daughter Janella Salvador (left).


Sino ang lalaking pinatatamaan ni Jenine Desiderio sa kanyang tweets?

Dalawang makahulugang tweet ang ginawa ng stage actress at singer na si Jenine, na parehong may kinalaman sa kanyang anak na si Janella Salvador at sa lalaking nali-link sa aktres na hindi niya pinangalanan.

Pinost ni Jenine ang kanyang tweets ngayong Linggo ng umaga, February 5.

Hindi tinukoy ng singer-actress ang pinagmulan ng kanyang saloobin, pero may kinalaman umano ito sa hindi magandang trato ng lalaki sa kanyang anak, na kilalang young actress sa ABS-CBN.

Hindi rin tinukoy ni Jenine kung katrabaho o personal ang kaugnayan ng lalaki kay Janella.

Hindi man direkta, malinaw sa tweet na inaakusahan ni Jenine na mapagpanggap ang lalaki sa tunay nitong intensiyon kay Janella.

“I want no less than a gentleman for my daughter. Not one who looks & pretends to be decent but sneaks behind my back,” unang tweet ni Jenine.

Binalaan pa niya ang nasabing lalaki na ibubunyag niya ang tunay na pagkatao nito kung hindi nito babaguhin ang pag-uugali.

“I am this close to revealing who you are. Straighten up & clean up your act or it's the end of you,” dagdag niya.

Marami nang fans ang nag-react, partikular na ang fans nina Janella at Elmo Magalona, ang pinakahuling leading man ni Janella sa Kapamilya Network.

Udyok ng mga fans, ilantad na ni Jenine ang tinutukoy niyang lalaki, upang malaman na nila kung si Elmo ba ito o hindi.

Hindi naman sumagot ang aktres sa mga tanong ng nasabing fans.



Si Elmo, 22, ay dating Kapuso star na lumipat sa ABS-CBN noong November 2015 at ipinareha kay Janella.

Nagtambal ang dalawa sa 2016 primetime series na Born For You.

Bukas ang PEP sa panig nina Jenine at Elmo sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN