Jericho Rosales doesn't believe in luck: "It's some sort of discrimination."

IMAGE Noel Orsal

Jericho Rosales explains why he doesn't believe in luck: "Hindi ako naniniwala sa bad luck at good luck. Parang for me, it's some sort of discrimination. Parang, sa akin, ayokong i-welcome yung discrimination sa sarili ko."

 


Sugarol na naniniwala sa suwerte ang karakter na ginagampanan ni Jericho Rosales sa Luck at First Sight ng Viva Films.

Pero sa tunay na buhay, hindi raw naniniwala ang aktor sa suwerte o sa ideyang may mga taong mabigat kasama.

“To be honest with you, hindi ako naniniwala sa suwerte at bigat,” kuwento ni Jericho sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nakausap ng PEP si Jericho noong nakaraang linggo sa set ng Luck at First Sight, ang unang movie team-up nila ni Bela Padilla.

“Hindi ako naniniwala sa bad luck at good luck.

“Parang for me, it’s some sort of discrimination.

“Parang, sa akin, ayokong i-welcome yung discrimination sa sarili ko.

“Kasi kung dun lang ako ha-hang out sa mga suwerte sa buhay ko, then the rest are ano...

“So, para sa akin, hindi ako naniniwala sa suwerte."

Paliwanag pa ng mahusay na aktor, “Hindi ko kinokontra yung paniniwala ng ibang tao, but for me, it’s unfair.

“Kunyari, there’s an opportunity na dumating sa ’yo, pero hindi ka prepared for that opportunity, then hindi rin siya suwerte, di ba?

“You can’t call it naman bad luck, kasi parang dina-down mo naman yung sarili mo, your ability to be blessed.

“Hindi naman puwede yun, di ba?"

Mas naniniwala raw siya sa dasal.

“I don’t really believe in luck.

"I believe... okey, it’s a good chance, but it’s still kung ano yung puwede mong gawin dun sa chance na ‘yon.

“And when I pray, I pray for blessings, I pray for opportunities.

“Mas nagpe-pray ako.

“Humihingi ako ng opportunities—more than the project itself, money itself, or the object itself.

“For me, opportunities, dahil ang personality ko ganoon.”

Ang award-winning director na si Dan Villegas ang direktor ng Luck at First Sight.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN