Dayanara Torres gets emotional during ASAP comeback: "Finally, I'm here, and sana ito na ang simula."

IMAGE Instagram (@gemmiegram @asapofficial)

Dayanara Torres became emotional on her much-awaited return to ASAP, which celebrated its 22nd anniversary this Sunday. Dayanara was one of the show's original hosts, together with Pops Fernandez, Gary Valenciano, and Ariel Rivera.


Abot-abot ang pasasalamat ni Miss Universe 1993 Dayanara Torres sa kanyang mga tagasuporta sa Pilipinas matapos ang kanyang comeback sa ASAP ngayong Linggo, February 5, sa okasyon ng ika-22 anibersaryo nito.

Si Dayanara ay isa sa mga orihinal na host ng ASAP noong nagsimula ang variety show noong 1995, kasama nina Pops Fernandez, Ariel Rivera, Richard Gomez at marami pang iba.

“Salamat. Maraming salamat po.

"Mas masaya ako dito kasi this is my second home and, ASAP, I owe you guys so much.

"Everything started here. I learned everything here, so I will forever be thankful, I will forever love you.

"Mahal ko kayo,” emosyonal na pahayag ng tinaguriang Dancing Queen sa local showbiz noong dekada '90.

“Lagi kayong nasa puso at isipan ko.

"I know ang tagal na, I should have been here before.

"Finally, I'm here, and sana ito na ang simula,” dagdag niya.

Dumating si Dayanara nitong Enero upang maging isa sa mga judges ng 2016 Miss Universe pageant.

Ngayon ay binigyan din siya ng pagkakataong umabas sa ilang shows ng ABS-CBN.

Nagpasalamat din ang Puerto Rican beauty queen sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Pilipino.

“Thank you so much. You guys have never forgotten.

"I know I took a very long time, 10 years and even more than that, but when I arrived, the embrace, and the love, and the hug were exactly the same.

“You haven't forgotten, and even told my kids—I have kids now—'You have to see, you have to come [to the Philippines]. This is my second home. You have to come.'”

Dalawang lalaki ang anak ni Dayanara,si na Cristian (16) at Ryan (13), sa Latin-American singer na si Marc Anthony, pero hiwalay na sila ngayon.

“I've been so blessed and so loved by all of you and hopefully, hopefully, I really wish I can keep coming back, back and forth, and bring the boys [so] I can stay even longer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But definitely, you will keep seeing me.

"I will not take long to come back to this country that loves me so much.

"To ASAP that has opened so many doors and I am so thankful to, I will always be back here.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN