Lotlot de Leon rushed to hospital due to fever

IMAGE Rommel Gonzales

Lotlot de Leon was rushed to a hospital in Alabang early Saturday morning, February 4, due to fever. The actress was already experiencing chills during her taping for Destined To Be Yours the day before, but she refused to be brought to the hospital and insisted on finishing her sequences. She is currently recuperating at home.


Isinugod sa ospital ang aktres na si Lotlot de Leon.

Nasa taping ng Destined To Be Yours ang aktres nitong nakaraang Biyernes ng umaga nang makaranas siya ng masamang pakiramdam.

Actually po, umaga pa lang, sa bahay pa lang, medyo masama na ang pakiramdam ko.

Pero since may taping nga ako, hindi ko pinansin, inisip ko nung una giniginaw lang ako,umpisang kuwento ng aktres sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, February 4, Sabado, sa Paranaque City.

Kaya kahit hindi mabuti ang pakiramdam ay dumiretso si Lotlot sa unang location ng taping nila sa Shaw Boulevard.

Hanggang sa paglipat nila ng location sa K-2 sa Kamuning sa Quezon City ay nagawa pa rin ng aktres na magpatuloy sa mga eksena nila ni Alden Richards.

Pero, in between takes, nakabalabal ako ng kumot kasi nga giniginaw ako.

Inaalis ko na lang ang kumot kapag magte-take na,” dagdag niya.

WORSENING CHILLS. Mahigit sa twelve sequences ang nakuhanang eksena kay Lotlot.

Pero nung kukunan na ang eksenang second to the last ay hindi na niya kinaya.

Pag-amin niya, “Hindi ko na makayang alisin ang kumot ko kasi nagtsi-chill na ako, tapos ang init-init ko na.

Nag-aalala na ang lahat ng tao sa set, yung production ng GMA, pati si Alden nag-worry na, binigyan pa niya ako ng gamot sa flu.

Hindi na kinaya ni Lotlot na humarap pa sa kamera upang tapusin ang dalawang sequences na kukunan sana sa kanya.

Aniya, “The people sa set, gusto na nila akong dalhin sa ospital, pero sabi ko ayoko, sabi ko hihintayin ko na lang si Fadi. I just wanna go home and rest.

Matapos ang ilang sandali ay dumating na ang kasintahan ni Lotlot, ang Lebanese businessman na si Fadi El Soury, na nagpilit na ring dalhin ang aktres sa ospital, na tinanggihan uli ni Lotlot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng aktres, “Dumiretso na kami ng uwi sa bahay.

RUSHED TO HOSPITAL. Pero bandang alas-dos ng madaling araw ng Sabado ay muling tumaas ang lagnat ng aktres at nag-chill muli ito kaya dinesisyonan na ni Fadi na dalhin si Lotlot sa pinakamalapit na ospital sa Alabang.

Doon ay kinabitan ng dextrose ang aktres at tinurukan ng gamot.

Sa kabutihang palad, bumaba naman ang lagnat nito, at makalipas ang ilang oras ay pinalabas din ito sa ospital.

Sa ngayon ay kasalukuyang nagpapagaling at nagpapalakas ang aktres.

Bukod sa Destined To Be Yours nina Alden at Maine Mendoza ay kasali rin si Lotlot sa bagong pelikula para sa Star Cinema nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN