Aicelle Santos admits wedding talks with reporter BF

IMAGE GMA Corporate Communications

Kapuso singer/actress Aicelle Santos admits that despite her ten-month old relationship with current BF, GMA reporter Mark Zambrano, they have already been talking about their wedding plans: "Napag-uusapan naman po, pero pag-uusap pa lang."


Masaya po, masaya naman po,” bulalas ni Aicelle Santos nang kumustahin namin ang kanyang love life.

Boyfriend ni Aicelle ang GMA news reporter na si Mark Zambrano.

Interesting, interesting,” tugon pa ni Aicelle.

Nakausap si Aicelle ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pilot taping day ng Impostora, nitong nakaraang Biyernes, February 3, sa Agham Road sa Quezon City.

WEDDING TALKS? Umamin si Aicelle na nag-uusap na sila ng tungkol sa kasal ni Mark.

Napag-uusapan naman po, pero pag-uusap pa lang,” at tumawa ang mahusay singer at TV at stage actress.

Ngayong taon na ba sila magpapakasal?

Hindi pa po,” ang tumatawa pa ring sagot ni Aicelle.

Hindi ba siya nag-aalala kapag pinapadala si Mark sa kung saan-saang delikadong lugar para mag-cover ng balita?

Lahad niya, “Hindi, kasi ang beat niya naman talaga sports, so madalang naman talaga siyang padala sa malalayong lugar, sa mga delikadong lugar.

Pero nagkakataon din naman, nagkakataon din.

E, ganun talaga, part ng trabaho.”

NO JEALOUSY. Magsasampung buwan pa lamang ang relasyon nila, na nagsimula sa Instagram messaging.

Biglaan naman ang pagdami ng followers at mga tagahanga ng tandem nila ni Mark.

Nagulat din kami,” sabay tawa  uli si Aicelle.

Hindi ba siya nagseselos na maraming may crush sa boyfriend niya?

Pag-amin niya, “Hindi ko nga alam yun.

Nalaman ko lang nung kami na.

Sabi ko, ‘Aba, heartthrob ka pala, hindi ko alam!’

Niloloko ko lang siyang ganun tapos ngingiti lang siya.”

Hindi raw likas na selosa si Aicelle.

Hindi naman po.”

Si Mark ba ay seloso?

Pahayag niya, “Marami ang nagtatanong sa amin niyan, e.

Wala pa kasing pagkakaton na dumarating sa amin na ganun.”

Wala raw rason para may pagselosan sila ni Mark sa bawat isa.

THE COUPLE THAT SINGS TOGETHER. Kahit singer si Aicelle, nakakagulat na wala silang theme song ni Mark!

Wala nga kaming theme song, ang baduy namin,” sabi ni Aicelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas madalas pa nga raw na si Mark ang kumakanta para sa kanya.

Mas gusto ko pag kinakantahan niya ako,” at muling tumawa si Aicelle.

Ano ang kinakanta sa kanya ni Mark?

Wala. Kung anu-ano lang.

Halimbawa, may marinig sa radio, o ‘90s music, kasi pareho kaming fan ng '90s music, yung random lang.”

HAPPY FOR KYLIE. Napapanood si Aicelle sa Eat Bulaga! bilang judge ng Music Hero contest.

 
Nalalapit na rin ang pag-ere ng Impostora, ang upcoming drama series ng GMA-7, kung saan, sa kuwento niya, “Ako si Deedee, kaibigan ni Nymfa. Si Nymfa ay si Kris Bernal." 

Sabay dagdag na, "Mabait po ako,” na ang tinutukoy ay ang role niya rito.

Ang huli kasi niyang soap opera ay ang Buena Familia, na sabi nga niya, “Dun, ako kontrabida naman.”

Buntis na ang kasama niya dati sa Buena Familia na si Kylie Padilla. Ano ang masasabi ni Aicelle tungkol dito?

Aniya, “Happy ako for her! Kasi knowing Kylie, ano yun e, free-spirited.”

CONTRACT RENEWAL. Matatapos na ang kontrata ni Aicelle sa GMA ngayong taon.

Magre-renew ba siya?

Nasa proseso naman ng pag-uusap, hindi pa rin kami nag-uusap about it.

Pag-usapan pa po namin.”

Si Aicelle ay co-managed ng Stages at ng GMA Artist Center.

Kahit nagsimula siya bilang singer, parehong mahal daw ni Aicelle ang pagkanta, na first love niya, at pag-arte sa telebisyon at sa entablado.

Dagdag niya, mas natsa-challenge daw siya sa pag-arte.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN