Bela Padilla says breakup with Neil Arce not just a "gimik"

IMAGE Noel Orsal

Bela Padilla on collapse of four-year relationship with Neil Arce: "Siguro, napunta lang kami sa ibang direksiyon. Yung way of thinking din siguro, baka different na. Hindi kasi kami nag-aaway, hindi kami confrontational."


Pinabulaanan ni Bela Padilla ang espekulasyong publicity stunt lamang ang hiwalayan nila ng long-time boyfriend na si Neil Arce.

"Grabe namang gimik. Gimik na lang tayo sa labas," pabirong bungad ni Bela.

Mariing dugtong pa niya, "Hindi ko po alam, e, ginagawa pa ba 'yan ng mga tao ngayon?

"Hindi ko po gustong pinag-uusapan."

Usap-usapan kasi sa loob at labas ng showbiz na tila mahirap paniwalaang wala na sila Bela at Neil.

Nagpalitan pa nga ng sweet messages sa Instagram sina Bela at Neil matapos nilang akyatin ang Mt. Maculot sa Batangas bago mag-New Year.

Wala rin umanong napabalitang matinding pinag-awayan ang dalawa at minsan na ring inamin ni Bela na napag-uusapan na nila ang kasal.

Pero noong Enero 23 ay isinapubliko ni Bela na natuldukan na ang apat na taong relasyon nila ni Neil.

Sabi lang niya, "Wala namang reason, siguro napunta lang kami sa ibang direksiyon.

"Yung way of thinking din siguro, baka different na.

"Hindi kasi kami nag-aaway, hindi kami confrontational.

"So mas kinikimkim, kaya siguro…”

Hinggil sa agam-agam ng ilan tungkol sa hiwalayan nila ng dating nobyo, komento ng 25-year-old actress:

"Oo, naiintindihan ko rin naman… Kasi, yung sa amin naman, hindi naman agad-agad.

"Feeling ko, matagal na rin namang alam na mangyayari.

"I think... I think, ha?"

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bela sa lshooting ng pelikulang Luck At First Sight sa Barangay Culiat, Tandang Sora, Quezon City, noong February 4.

NO THIRD PARTY. Iginiit din ni Bela na walang third party sa hiwalayang nila Neil, kaya nanatiling mabuting magkaibigan pa rin daw sila hanggang ngayon.

Aniya, "I will always love Neil as a friend.

"Pero romantically? Right now, I don't see that."

Hindi raw siya naiilang kahit patuloy pa rin niyang nakakatrabaho ang dating nobyo bilang isa ito sa co-producers ng Luck At First Sight at madalas bumisita sa set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ni Bela, “Suwerte ako na pareho kaming mature... nag-usap naman kami.

"Tinanong niya ako kung gusto kong wala siya kapag may eksena kami, kasi nga baka magkailangan kami.

"Sabi ko, 'Wala, wala yun sa akin.' Sa kanya, wala din yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN