Lani Misalucha reveals she almost went through hysterectomy

IMAGE Rose Garcia

Lani Misalucha on her recent health problem: "May isa pa raw procedure called hysteroscopy. Papatayin yung uterine wall para hindi na ko mag-bleeding. The result went back okey naman. It's clear… it's not cancerous. Thank God."


Inamin ni Lani Misalucha ang pinagdaanang sakit kamakailan lang dala ng kumplikasyon sa uterus at ovary.

Noong Disyembre ay pinayuhan daw ang singer ng doktor niya rito sa Maynila na kailangan niyang sumailalim ng hysterectomy.

Sabi ni Lani, "Well, my O.B. here told me na impossible na nga raw, kailangan ng i-remove…”

Ayon sa www.webmd.com, ang hysterectomy ay medical procedure kung saan tinatanggal ang uterus ng babae dahil sa “uterine fibroids” o lumps, na nagsasanhi ng pain at bleeding.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lani sa Solaire Resort & Casino hotel noong Huwebes, Enero 2.

Patuloy ni Lani, bago siya sumalalim ng operasyon ay inalam muna niya ang opinyon ng doctor niya sa Las Vegas.

Aniya, “When I went back to Vegas, nagpatingin ako, at sinabi naman ng O.B. ko run na huwag munang gawin ang procedure na yun.”

Imbis na hysterectomy ay pinayuhan daw siyang sumailalim sa hysteroscopy noong nakaraang buwan.

Ang hysteroscopy, ayon pa rin sa www.webmd.com, ay medical procedure kung saan tinitignan ang uterus lining at saka inaalis kung anuman ang makitang “fibroids” o “polyps.”

Paliwanag ni Lani, "Ang gawin, may isa pa raw procedure called hysteroscopy. Papatayin yung uterine wall para hindi na ko mag-bleeding.

Sa huli, hindi na niya kinailangan ng hysterectomy.

“The result went back okey naman. It's clear… it's not cancerous. Thank God,” sabi ng mahusay na singer na ngayon ay nakabase sa U.S.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN