Bela Padilla nips talk about her and Zanjoe Marudo; wants more me-time

IMAGE Allan Sancon

Bela Padilla is not looking for new romance after breakup with Neil Arce, saying, "Hindi ko rin siya mabigyan ng oras… naiisip ko na ako lang, parang me time."


Nagulat si Bela Padilla na may bulung-bulungan na palang nagaganap tungkol sa kanila ni Zanjoe Marudo, ang kanyang leading man sa Kapamilya teleseryeng My Dear Heart.

Tila marami ang pumupuna sa pagiging sweet nila sa isa't-isa sa taping ng teleserye.

Binigyan ito ng linaw ni Bela nang dalawin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng entertainment media noong February 4.

Nasa shooting si Bela noon ng pelikula nila ni Jericho Rosales na Luck At First Sight, sa Tandang Sora, Quezon City.

Balik-tanong ni Bela tungkol sa sinasabing sweetness nila ni Zanjoe: "Saan? Talaga?"

Sabay sabi, “Wala po, parang barkada lang kami, nagsusuntukan nga kami na laro.

“Ganun kami lahat sa set, pero okey naman siya po, magaan siyang katrabaho."

Posible bang ma-in love siya sa ka-partner?

Kaswal na sagot ni Bela, "Hindi po, hindi ko na nakikita right now."

Paano kung si Zanjoe ang mag-fall sa kanya?

Tugon ng aktes, "Hindi ko po alam.

"Bilang tao, likeable naman siya,” pero pahabol niya, ”Lahat naman ng tao sa set, likeable.“

Kung sakali, handa ba siyang makipagrelasyon muli?

Lahad ni Bela, "Hindi po siguro, nakakaawa naman yung taong....

"Hindi naman rebound, hindi ko naiisip yun.

"Wala naman akong time na maibibigay dahil nagtiti-taping ako every M-W-F.

“Shooting kami nito ng T-TH-S, 'tapos noong mga nakaraang araw, nag-aaral ako 'pag Linggo.

"Ngayon ko lang ulit makukuha yung Sunday ko.

“Gusto ko munang i-enjoy ang Sundays by myself, magmuni-muni."

Four years ang itinagal ng relationship niya kay Neil Arce bago sila naghiwalay kamakailan lang.

Ayaw muna niyang magka-boyfriend ulit?

Saad niya, "Opo, pero never ko namang hinanap yung freedom, na parang hindi naman ako lalabas para mag-party or gumimik.

"Yung Sunday, gusto ko lang manoood ng TV, magpa-derma.

"Simple lang naman ang gusto kong gawin.

"Parang buong linggo, nagtatrabaho ako, kaya hindi ko rin siya mabigyan ng oras,” lahad pa ni Bela tungkol sa love life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan, naiisip ko na ako lang, parang me time."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN