Polo Ravales saddened by ex-girlfriend Sunshine Dizon's marital woes

IMAGE Jocelyn Dimaculangan

Polo Ravales on Sunshine Dizon's separation from her husband: "Nagkita kami sa isang restaurant, pero hindi ko siya tinanong about that. Ang sabi ko lang sa kanya, 'Kaya mo 'yan.' Kilala ko si Shine, she's strong, alam kong kaya niya yun."


Ikinalungkot ni Polo Ravales ang sinapit ng buhay may-asawa ng ex-girlfriend na si Sunshine Dizon.

Hunyo 2016 nang isapubliko ni Sunshine ang pambababae ng mister niyang si Timothy Tan.

Sinampahan din ni Sunshine si Timothy ng reklamong concubinage at paglabag sa Anti Violence Against Women and Children Act.

Noong nakaraang buwan na lamang nagpasya ang Kapuso actress na iurong ang demanda laban sa mister, ngunit tuloy pa rin ang plano nilang mag-petition for annulment.

Sabi ni Polo ukol sa sitwasyon ni Sunshine: “Siyempre, nakakalungkot na mabalitaan mo sa isang tao na nakarelasyon mo before, nagkaroon kayo ng pinagsamahan.”

Nagkatambal noon sina Sunshine at Polo sa ilang shows ng Kapuso network, tulad ng TGIS, Click, at Anna Karenina.

Nagkatrabaho rin sila sa ilang pelikula ng Viva Films, bago sila nagkaroon ng relasyon, na nauwi din sa hiwalayan.

Sa ngayon, positibo raw si Polo na malalagpasan ng dating nobya ang pinagdadaanan nito ngayon.

Sabi ng 34-year-old actor, “She’s feeling the pain, pero si Sunshine, strong personality, e.

“I’m sure kayang-kaya niya yung i-handle.”


Stories We Are Tracking

Sunshine Dizon moves toward marriage annulment
Sunshine Dizon moves toward marriage annulment

May isang pagkakataon daw na sandaling nakausap ni Polo si Sunshine.

“Wala kaming communication, pero magka-Facebook kami, sometimes sa Messenger...

“Nagkita kami sa isang restaurant, pero hindi ko siya tinanong about that.

“Ang sabi ko lang sa kanya, ‘Kaya mo ‘yan.’

“Kilala ko si Shine, she’s strong, alam kong kaya niya yun.

“Saka mayroon siyang loving kids,” saad ni Polo patungkol kay Sunshine, na ang palayaw ay Shine.

Nakausap si Polo ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikulang Balatkayo, na ginaganap sa Marco Polo hotel sa Ortigas, Pasig City, Linggo ng gabi, February 5.

ON BEING SINGLE. Nang tanungin tungkol sa sarili niyang love life, inamin ni Polo na wala itong nobya ngayon.

“Wala, e, maybe because I have to focus on my work.

“Dun na muna ako, kasi last time, two years akong walang ginagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon na nagkakaroon ako ng projects, gusto ko munang mag-focus at mag-concentrate dun.”

Nagsipag-asawa at may kanya-kanyang pamilya na ang mga kasabayan ni Polo sa showbiz, tulad nina Dingdong Dantes at Dino Guevarra.

Aminado naman si Polo na minsan ay naiisip niyang gusto na rin niyang magkaroon ng sariling pamilya.

Pero dugtong ng binata, “Darating naman yun, e. Pero ngayon, ayoko na muna.

“Iba pa rin kasi kapag wala kang responsibility. Sa trabaho, focused ka.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN