Ben Chan still affected by The Naked Truth controversy

IMAGE Noel Orsal

Businessman Ben Chan on holding a Bench underwear fashion show this 2017: "Nagtanong-tanong din ako. Sabi ko, 'Ayoko na.' Pero 'yung mga bagets, yung mga millennials na nakakausap ko sa mga kakilala ko, sabi nila, 'Bakit hindi?'"


Inamin ni Ben Chan na nag-aalangan siyang magsagawa ngayong taon ng underwear fashion show kasabay ng ika-30 anibersaryo ng pagmamay-ari niyang clothing brand.

Si Ben ang nagpasikat at nagpaangat sa bansa ng underwear fashion shows. Sinasalihan ito ng mga top celebrity endorsers bilang mga modelo at pinapanood ito, hindi lang ng publiko, kundi ng mga celebrities din.

Ngunit ang kanyang celebrated underwear fashion show ang siya ring nagdala sa low-key mega-businessman ng kontrobersiya.

Tuloy, nagdadalawang-isip na itong magprodyus muli ng underwear fashion extravaganza .

Halos tatlong taon na ang nakakaraan, prinodyus ni Ben ang The Naked Truth para sa kanyang Bench brand.

May circus act ang brand celebrity endorser nitong si Coco Martin, na rumampa sa fashion show na may hawak na nakataling babaeng modelo.

Maingay na inalmahan ito ng women's group na Gabriela, at sinundan pa ito ng ilang indibidwal na nagsabing naging masama ang portrayal ng fashion show sa kababaihan.

Bagamat may mga nagdepensa sa show, na nagsabing wala nang humor at laya sa fashion kapag lagi na lang hinahanapan ito ng political correctness, tumatak ang insidente sa businessman.

Naalala pa ni Ben, “Masyado kasi akong affected nun, kasi wala namang masama dun, e.

“Alam ng mga tao ‘yan. Makaka-attest yung mga nanonood.

“Ewan ko ba. Pakikinggan ko ba ang mga taong humihiling na mag-show kami ulit, o
huwag na lang?”

Nakausap si Ben ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Sabado, Enero 4, sa media launch ng Baby Bench colognes, na in-endorso ng magkapatid na Julia at Talia Concio ng ABS-CBN at Baeby Baste ng Eat Bulaga! sa GMA-7.

Nakaugalian na ng clothing brand ni Ben ang pagsagawa ng engrandeng underwear fashion show isang beses kada dalawang taon.

Hindi lang daw ito natuloy noong nakaraang taon dahil nagkataong may malaki rin silang show sa U.S.

Kung sakaling magkaroon ulit ng underwear fashion show ngayong taon, ang inaalala raw ni Ben ay posibleng mapulaan ulit ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Nagtanong-tanong din ako. Sabi ko, 'Ayoko na.'"

“Pero ‘yung mga bagets, yung mga millennials na nakakausap ko sa mga kakilala ko, sabi nila, ‘Bakit hindi?’

“Kasi parang time na nila para makapanood, kasi three years ago, nung time nila, hindi pa sila 18.

“Pero kasi, marami ang nagbibigay masama, e.”

Nakabitin man ang gagawing pag-celebrate ng 30 taon ng Bench, may umuusad namang mga masayang balita.

Ibinalita ni Ben na ang kilalang Italian model at Mathematics teacher na si Pietro Boselli ang bagong endorser ng pag-aari niyang clothing brand.

Inaayos na raw ang schedule nito para i-launch sa Pilipinas.

Mas maganda raw kung mapabilang na si Pietro sa malaking show ng Bench, kung itutuloy nga niya ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN