Joross Gamboa proud to say he's a happily married man

IMAGE Noel Orsal

Joross Gamboa has advice to men on avoiding temptation: "Ilang beses ko nang nilabanan ang temptasyon, palagi akong natatalo. Kaya bago pa mangyari ang sitwasyon, ang payo ko sa mga kalalakihan, layuan niyo na."


Nanahimik at pamilyado na nga si Joross Gamboa.

Kahit nasa cast siya ng My Ex and Whys, hindi na raw ito “maka-relate” sa tema ng pelikula ng Star Cinema na pinagbibidahan nina Enrique Gil at Liza Soberano.

Pero hindi naman lingid sa lahat na isa si Joross sa maraming pinanghuhugutang ex-girlfriends.

Aniya, "Yung sa akin, katulad ng sinabi ni Enrique, kapag may mga tanong ka pa, ibig sabihin, hindi ka pa nakapag-move on. 

"And wala akong pinagsisisihan... actually, meron din.

“Pero masaya naman ako sa buhay ko ngayon, may asawa na ko."

HOW TO AVOID TEMPTATION. Sandaling nakapanayam si Joross ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng My Ex and Whys, na ginanap sa Dolphy Theater nuong February 1.

Naroon din si Karen Reyes, na dating Pinoy Big Brother teen housemate at kasama rin sa cast ng pelikula.

Pabirong binalingan ni Karen si Joross kaugnay ng naunang pahayag ng aktor.

“Bakit ako? Bakit ako ang nagawa mong lokohin?" may iyak-tawang drama ni Karen na ikinatawa ng lahat sa presscon.

Pahabol pa nito, na ang tinutukoy ay ang eksena nila ni Joross sa pelikula, “Paano mo nakayang tingnan ako sa mata.

“Halikan ako? Pero, alam mo may iba. 

“Yung hawakan ako, paano mo nakakayang gawin na may ginagawa ka rin sa ibang ganun?”

Game naman si Joross sumagot sa pabirong mga paratang ni Karen.

Sabi nito, "Lilinawin ko lang, nung time na yun, yung moment na yun, mahal mo talaga siya.

“Wala ka namang planong saktan ang isang babae.

"Pero minsan, siyempre, nagkakasala lang."

Sa huling sinabi ni Joross ay tila may naalala ang mga nakarinig sa pinagdaanan niya.

"Wait lang," natatawang sambit niya.

At seryoso itong nagpaliwanag, “Palagi kong sinasabi, ang temptasyon, hindi nilalabanan, tinatakbuhan.

“Kasi ilang beses ko nang nilabanan ang temptasyon, palagi akong natatalo.

"Kaya bago pa mangyari ang sitwasyon, ang payo ko sa mga kalalakihan, layuan niyo na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN