Regine Velasquez: "GMA-7 has been generous to me with everything."

Regine Velasquez on being a solid Kapuso: "I'm given choices. I'm given also artistic hand on whatever project I choose to accept. So, gusto ko yun. Hindi ako masyadong sunud-sunuran lang."

 


Nanindigan si Regine Velasquez na nanatili siyang solid Kapuso.

Ito ay sa kabila ng kaalamang may ilan sa mga kasamahan at kaibigan ng singer sa GMA-7 ang lumipat na sa ABS-CBN.

Kabilang dito sina Jaya, Kyla, Jolina Magdangal, at Jonalyn Viray.

Pabirong komento ni Regine, “Kasi, binabayaran nila ako, hahaha!”

Aminado ang Asia's Songbird na malaking bagay sa kanya na ibinibigay ng Kapuso network kung ano man ang hilingin niya.

Isa ba rito iyong pinayagan siyang hindi magtrabaho noong panahong buntis siya?

Depensa ng singer, “Hindi, naka-freeze naman ako.

“Pero, minsan binabayaran lang nila ako, hindi nila ako binibigyan ng work.

"So, okey rin lang naman ako ng ganun. Hahaha!

“Okey din naman sa akin yun. Aarte ka pa ba dun, ‘te?”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Regine sa John Herrera x Epson fashion show, na ginanap sa activity center ng Shangri-La mall, noong Miyerkules, Pebrero 1.

Patuloy ni Regine, todo-bigay ang Kapuso network hindi lang sa talent fee kundi pati sa pag-aalaga.

“GMA-7 has been generous to me with everything.

“I was given time to be a mom to my child.

"I was given time for myself to lose weight para I’d be more comfortable with my projects.

“They’ve been very lenient with me.”

NEW PROJECT ON GMA. Hindi ba niya naisip na subukang lumipat sa ibang TV network para sa ikagaganda ng kanyang career?

Sagot ng 46-year-old singer-actress-TV host: “Okey na ako. I’m given naman all the opportunities. Kumbaga marating kung anuman yung kailangan kong marating—I don’t know what that is.

“I’m given choices. I’m given also artistic hand on whatever project I choose to accept.

“So, gusto ko yun. Hindi ako masyadong sunud-sunuran lang.”

Patunay raw nito ay ang pagiging “involved” niya sa pagbuo ng weekly music-variety show na Full House Tonite, na magsisimulang umere sa Pebrero 18.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Regine, “So, it works for all us kasi nagiging teamwork talaga.

"Hindi lang ako singer or artista nila. Kasali rin ako pati doon sa pre-production nila.

“Yung Full House Tonite, primetime siya ipalalabas every Saturday night.”

“Yung Sarap Diva, nandiyan pa rin, five years na this year."

Ang Sarap Diva ay isang cooking/lifestyle show ng GMA na umeere tuwing Sabado bago mag-Eat Bulaga!

OGIE ALCASID'S TRANSFER TO ABS-CBN. Samantala, suportado ni Regine ang paglipat ng mister niyang si Ogie Alcasid sa ABS-CBN noong November 2016.

August 18, 2016 nagtapos ang three-year contract ni Ogie sa TV5.

Pahayag ni Regine, “I’m so happy for him. Kasi he rested for three years and now he’s back.

"And talagang kita mo siya almost every day sa TV.

“And I’m so proud of him kasi naging mahirap yung desisyon niya, e.”

Kinonsulta raw siya ng mister bago ito nagdesisyong lumipat na ng network.

Sabi ni Regine, “Kasama naman ako doon. Kasi lagi naman niya ako ini-inform. He would always ask my permission.

“So, I’m happy that he made his decision to move to ABS-CBN.”

Ano ang nakapaloob sa kontrata ni Ogie sa Kapamilya network?

Sagot ulit ng Asia’s Songbird, “I’m not sure kung ano. Medyo technical na yun.

“But I think, recording, yes, TV show, and maybe movies.

“Pero parang per project ang usapan nila. Yun lang ang alam ko. Hindi ako masyadong sure.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN