Liza Soberano on Enrique Gil: "We complete each other."

IMAGE Noel Orsal

Liza Soberano refers to Enrique Gil as her "other half." She explains, "Di ba po, ang shape ng real heart, hindi siya ganyan? Pero kapag two hearts dinikit mo, ganun po ang shape niya. Apparently, God made it that way for you to find the other half. So yun po yun."


Kapansin-pansing hindi diretsahang masabi ni Liza Soberano, 19, ang tunay na estado ng relasyon nila ni Enrique Gil, 24.

Ito ay sa gitna ng tumitinding impresyon ng publiko na sila na nga.

"Hindi ko po dini-deny si Quen, ha? It's complicated," natatawang pagtukoy ni Liza sa rumored boyfriend niyang si Enrique.

"Actually, Quen is my special someone. He's very special to me."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Liza sa presscon ng pelikulang My Ex and Whys, na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, noong Pebrero 1.

THE OTHER HALF. Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP kay Liza, tinanong ang dalaga kung hindi pa siya handing makipagrelasyon.

"Hindi po, si Quen ang hindi pa ready," natatawang pasaring ng aktres sa kapareha, "Joke lang po.”

Sa isang panayam kasi kay Enrique noong July 2016, nadulas ito at nagsabing “boyfriend-girlfriend” na sila ni Liza.

Ngunit agad nilinaw ng binata na walang pormal na go-signal ang pamilya ni Liza na puwede nang makipagrelasyon ang dalaga.

Ang kondisyon daw kasi ng lolo ni Liza ay makakapagnobyo lang ito sa edad na 25.

Nineteen pa lang si Liza.

Kung gayon, ano naman ang ibig sabihin ng Instagram post ni Enrique na may caption na "my better half"?

Sagot ni Liza, napupunan daw nila ng binata ang kakulangan nila sa isa’t isa.

"Oo, like Direk Cathy Garcia-Molina said, cat-dog kami.

“Kunwari sa interview, hindi po ako magaling sumagot talaga.

"Napapahamak ko po ang sarili ko. I'm too honest.”

Ano sa kanya si Enrique kung sa binata ay “my other half” siya?

Balik-tanong ni Liza kay Enrique, na nasa tabi lang nito, "Bakit may other half nga ba?"

Maiksing sagot ng binata, “Alam mo na yun."

Dugtong naman ni Liza rito, "Yun nga po, parang we complete each other."

GETTING THERE. Ibig bang sabihin ng “my other half” ay sila na?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ito diretsahang sinagot ng dalawa.

Matalinhagang paliwanag ni Liza, "Well, napag-aralan po kasi namin before, we saw this article.

"Kasi di ba po, ang shape ng real heart, hindi siya ganyan?

“Pero kapag two hearts dinikit mo, ganun po ang shape niya.

"Apparently, God made it that way for you to find the other half. So yun po yun."

Sa huli, iwas pa rin si Liza sa pagsasabi kung opisyal nang magkarelasyon sila ni Enrique.

Sabi ng dalaga, "Huwag po kayong mag-alala. Kapag kami na, ako po ang magpa-presscon.”

Pero papunta na run?

"Yes," nakangiting pag-amin ni Liza.

Sa kabilang banda, aminado si Liza na may mga pagkakataong dumaraan sa pagsubok ang samahan nila ni Enrique.

"Kung umiyak po ako kay Quen? Lagi po!," natatawang biro niya.

Agad din itong binawi ni Liza at sinabing, "Joke lang. Hindi po, hindi lagi.

"In fairness naman sa kanya, hindi naman niya ko pinapaiyak lagi, konti lang.

"Hindi ko ma-explain... Kasi when you cry over somebody, it means that you really care."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN