Barbie Forteza uneasy about Marian Rivera tagging her "Primetime Princess of GMA"

IMAGE Noel Orsal

Hindi pa raw handa si Barbie Forteza na mabansagang "Kapuso Primetime Princess," at huwag daw sana siyang ikumpara kay Marian Rivera na kasalukuyang GMA Primetime Queen. Aniya, "Ibang-iba naman po kasi si Ate Marian... haligi naman pong talaga."


Sa ngayon ay puwede na raw tawagin si Barbie Forteza na "Primetime Princess ng GMA."

Sinabi ito mismo ng Primetime Queen ng Kapuso Network na si Marian Rivera sa isang panayam.

Ikinagulat at ikinatuwa ito ni Barbie, "Yun na nga, 'di po ba? Yung mga ganyang titles, mabilis naman po 'yan makuha.

“Mabilis din naman na maibigay sa iba. Ibig kong sabihin, 'wag na lang masyadong seryoso.

"Puwedeng maibigay sa iba kasi, siyempre, kung sino yung nasa primetime, yun ang 'Primetime Princess.'

"Pero, siyempre, nakakatuwa na kahit paano, may tumitingin sa akin o nagtatrato sa akin nang ganun.

"But not to the point na paaabutin ko siya sa isip ko, na forever na kong ganun."

Thankful si Barbie kay Marian, pero sinabi nitong hindi porke't Primetime Princess ang turing sa kanya ng Primetime Queen ay maihahalintulad na siya kay Marian.

Katwiran ng 19-year-old actress, "Ibang-iba naman po kasi si Ate Marian. Tanggapin na po natin, haligi naman pong talaga."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Barbie sa press visit ng show niya na Meant To Be, noong February 1, sa may Maginhawa Street, Quezon City.

BIGGER FANBASE. Isang patunay raw na patok ang isang teleserye ay kung naapektuhan ang mga manonood nito.

Katulad na lamang sa GMA primetime series na Meant To Be, na pinagbibidahan ni Barbie at apat niyang leading man na sina Ken Chan, Ivan Dorschner, Jak Roberto, at Addy Raj.

Ayon kay Barbie, hindi maiwasang pag-awayan ng fans kung sino sa apat na leading men ang nababagay sa karakter ng dalaga.

Lalo pa't may kanya-kanyang hukbo ng fans sina Ken, Ivan, Addy, at Jak.

Kuwento ng Kapuso actress, "Hindi po talaga, ini-explain naman po namin kahit paano.

"Kasi, yun ngang dadalawa ang love team, nag-aaway-away na.  

"E, yun pa kayang apat?

"Kahit paano, pinipilit naman po naming ipaintindi sa kanila na show lang naman po 'to.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Walang masabi si Barbie kung sino ang nakakalamang na sa apat niyang leading men.

Paliwanag niya, "Pare-parehas, promise 'to, honest ako.

"Kasi, yung dream boy ng lahat ng babae, nahati run sa apat.

"Kaya lahat sila parang, ‘Ay, gusto ko si Ganyan,’ ‘Ay parang gusto ko rin si Ganyan.’

"Or, ‘Ay, gusto ko rin silang lahat.’  Lahat sila ganun."

FOUR LEADING MEN. Sa kasulukuyang takbo ng kuwento ng Meant To Be, masasabing kay Ivan, o sa karakter nitong ni Ethan, nagkakagusto si Barbie.

Sa presscon ng show, nabanggit ni Barbie na si Ivan ang pinaka-sweet sa lahat ng kanyang mga leading men.

Tiyempong katabi ni Barbie si Ivan habang kapanayam ng PEP.

Nadadala na rin ba siya ng pagkagusto niya sa karakter nito?

"Hindi naman magiging effective yung scene kung hindi naman talaga ko naaapektuhan as a person. As a person! Ano raw?" natawang sagot ng Kapuso actress.

Dagdag pa niya, "Pero, wait lang, hindi pa ako tapos.  

"Hindi naman to the extent na pepersonalin ko dahil nabasa ko rin naman ang script.

"Alam ko rin naman kasi kung saan pupunta ang story ko with Ethan."

Inusisa rin ng PEP kung paano bilang katrabaho sina Addy at Ivan na bago pa lamang sa bakuran ng GMA.

Sabi ni Barbie, "Si Addy kasi, mabilis siyang matuto, mabilis siyang maka-pick up ng instruction.  

"Good for Addy yun, kasi nga first acting project niya 'to.

"Hindi siya nahirapang mag-adjust agad, kumbaga, kung tinutulungan man namin siya, konti lang.  

"Lahat ng work na yun, galing din talaga sa kanya.

"Sobrang ma-effort si Addy, pinapa-translate niya ang buong script."

Si Ivan, medyo sanay na?

Sagot ni Barbie, "Well, si Ivan, yung style ng pagtatrabaho niya, para na siyang nanalo ng Oscar.  

“Parang ganun, e. Parang, ‘I need to read the script first.' Meron siyang ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobra siyang O.C. [obsessive-compulsive] sa script, sa line, sa progress ng bawat characters.

"Hindi lang sa kanya, concerned siya sa buong show."

Consistent ba si Ivan sa pagiging sweet nito?

Sagot ulit ni Barbie, "Hindi lang naman po siya sa akin malambing.

"Pero yun nga, hindi lang naman sa akin.

"Sa lahat, sa production, sa cast, malambing naman siya sa lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN