Elizabeth Oropesa owns clinic that can treat "all kinds ng sakit"

IMAGE Courtesy: Facebook of Elizabeth Freeman

Elizabeth Oropesa is focused on her advocacy to push alternative medicine to treat patients with life-threatening diseases.


Buhos ang panahon ng beteranang aktres na si Elizabeth Oropesa sa kanyang alternative medicine clinic sa Quezon City.

Ito raw ang dahilan kaya hindi siya gaanong aktibo sa showbiz ngayon.

May PhD raw siya sa Alternative Medicine, at ang clinic daw niya ay nakapagpapagaling ng maraming sakit.

“All kinds ng sakit, but most especially cancer, at saka anything that’s related to the bones, kasi iyon ang specialty ko," lahad ni Elizabeth.

Paliwanag pa niya, “Ang alternative medicine…anything non-invasive usually, except for acupuncture."

Licensed acupuncturist din daw si Elizabeth at practitioner ng traditional Chinese medicine (TCM), na bukod sa acupuncture at herbal medicine ay saklaw din ang internal body analysis para matukoy ang sakit ng pasyente.

Sabi pa ni Elizabeth, "Because every thing, all the organs are related.”

Bukod sa mga ito, natutulungan rin umano niya ang mga babaeng gustong magkaanak.

Kuwento niya, “Yung sa cancer naman, it has something to do with diet."

Kaya niya talagang magpagaling ng cancer patients?

“Depende sa stage kasi hindi naman ako Diyos, pero ang daming natutulungan kasi…”

Kahit yung sinasabing Stage 4 ng cancer napapagaling niya?

Lahad ng aktres—na noong '80s ay naging paborito ng malalaking direktor, kasama na ang yumaong si Ishmael Bernal—“Oo naman, oo naman.

"Well, you don’t necessarily...hindi naman ibig sabihin one hundred percent gagaling.

"Pero yung may taning na, kunwari six months na lang yung taning mo, aabot ka pa ng mga sampung taon, hindi na masama.

“Kasi na-i-stop ko yung pagdami, yung pag-progress, na-i-stop ko yung pagdami ng cancer cells.

“So, hanggang dun ka na lang, hindi na lalala."

Ano ba ang paraan ng panggagamot sa kanyang clinic?

“Kasi, ang procedure namin ng paggamot ng mga cancer patients, hindi lang physically.

"Emotionally and spiritually kailangan covered lahat yun, three layers ‘yan, e.

“Maski anong gawin mo na paggamot sa mga cancer patients, kung hindi nahi-heal yung mga sama ng loob, o yung mga kasalanang hindi napapatawad—yung mga ganyan, hindi gagaling one hundred percent.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "I have different modalities na non-invasive, na pinapagamit ko sa mga cancer patients at saka sa mga hindi mabuntis.

“Ang success namin diyan, yung ilang taon nang hindi magkaanak at hindi malaman kung ano ang dahilan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Elizabeth sa first taping day ng bagong serye ng GMA na Impostora, sa Agham Road, Quezon City, nitong nakaraang Biyernes, February 3.

KAPUSO COMEBACK. Nagbabalik-Kapuso ang mahusay na aktres sa upcoming serye ng GMA na pagbibidahan ni Kris Bernal.

Matagal bago gumawang muli ng soap opera si Elizabeth.

Aniya, "Ayoko yung ibang na-i-offer...

"Hindi ako masyadong gigil tumanggap pagka may sinasaktan na bata, ayoko yung mga ganun.”

Bakit siya napapayag na tanggapin ang Impostora?

Sagot ni Elizabeth, “E, napakaganda naman nung role, so why will not I accept it?

"'Tsaka, miss ko na ang Siyete, e.”

Ang Beauty Queen ang huling seryeng ginawa niya sa "Siyete," na tawag sa GMA-7, na pinagbidahan nina Iza Calzado, Maggie Wilson, at Katrina Halili noong taong 2010.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN