Vice Ganda on Chokoleit viral kissing video: "I'm so happy for him."

IMAGE Mark Atienza (Vice Ganda) / Instagram (Chokoleit)

"Sabi ko ngang ganyan, 'Whoever you are, whatever you do, kung anuman ang itsura mo, there will always be that one person in this world that will find you attractive," Vice Ganda said, reacting to his fellow comedian and friend Chokoleit's viral kissing video.


Viral sa social media ang “kissing scandal” video ng kaibigan ni Vice Ganda na si Chokoleit.

Sa video, makikitang kahalikan ni Chokoleit ang isang lalaki.

Watch: Chokoleit "kissing scandal" becomes viral

May mga usap-usapang iPhone 7 daw ang kapalit ng pakikipaghalikan ng lalaki kay Chokoleit.

Hindi naman sang-ayon si Vice sa mga usap-usapang ito.

“I’m so happy for Chocoleit,” sabi muna ni Vice.

“Unang-una, matanda na si Chokoleit, ‘di naman siya minor.

"Alam niya kung ano ang gusto niyang gawin.

"Alam niya ang mga consequences ng mga bagay na ginagawa niya at ginawa niya yun nang masaya siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vice sa set ng It’s Showtime, kahapon, February 6.

Patuloy ni Vice, “I’m so happy for him. Sabi ko ngang ganyan, ‘Whoever you are, whatever you do, kung anuman ang itsura mo, there will always be that one person in this world that will find you attractive.’

“Kahit ano ang sinasabi natin kay Chokoleit, may isang tao na naniniwala na attractive at handang halikan siya. Yun ang totoong tagumpay.

“Ako nga, Diyos ko, wala yatang lalake na hahalik sa akin in public, ‘no? Pero kay Chokoleit may humalik sa kanya sa publiko at bini-video.

“Alam nila na bini-video at happy sila. Chokoleit is so happy, ‘di sila affected sa kung anumang sinasabi.

"Masaya si Chokoleit dahil na kay Chokoleit ang totoong korona. I love Chokoleit!” deklara pa ni Vice.

WHO SI VICE'S FEB 14 DATE? May concert si Vice sa darating na February 14, ang Pusuan Mo Si Vice Ganda Sa Araneta Coliseum.

Siniguro ng komedyante na marami siyang bagong ipapakita sa kanyang Valentine’s concert na ito.

“Sobrang excited! Walong araw na lang concert ko na sa Araneta!” bulalas ni Vice.

“Sa ngayon hindi pa, siguro sa Sunday pa. Ngayon hindi pa, ine-enjoy ko pa ang rehearsals, pagbabasa ng mga scripts. Baka mga ilang araw pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Madami. Kasi, ‘di ba, pag nagko-concert ako, sinisiguro ko na pag nanood sila sa akin, ‘di napapanood sa TV [yung mga gagawin] kasi di puwedeng ipalabas sa TV.

“Kung may napapalabas man sa TV, sanitized na. Yung mga punchlines, ‘di naman ineere, ‘di ba?

“’Di rin nila napapanood sa mga pelikula ko. Sa concert lang, sa live performance ko lang ginagawa yung mga gagawin ko,” pagbibida pa ng komedyante.

“Guests ko si Daniel Padilla, si Maja Salvador, si Daryll Ong, si Awra, si Michael Pangilinan, at si Kris Lawrence.”

Nang tanungin ng PEP kung bukod sa concert ay mayroon siyang date, agad na sumagot si Vice na nanay raw niya ang makakasama sa Valentine’s Day.

“Nanay ko, nandito kasi ang nanay ko. Kaya siya muna ang ka-date ko sa February 14.

“Kasi after February 14, lilipad na papuntang Amerika. Kaya nanay ko muna, bago ang iba,” pagtatapos ni Vice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN