(UPDATED) Diego Loyzaga rants about dad Cesar Montano: "SANA LUMABAS LAHAT NG BAHO MO. Duwag!"

IMAGE Arniel Serato

Makahulugan ang mga posts ni Diego Loyzaga sa Instagram ngayong gabi ng Martes, February 7. Pinatatamaan nito ang sariling amang si Cesar Montano tungkol sa mga pangako at suportang hindi raw nito natutupad.


Beast mode ang Kapamilya actor na si Diego Loyzaga sa Instagram laban sa kanyang amang si Cesar Montano, ngayong gabi ng Martes, February 7.

Ito'y sa dahilang binantaan daw siya ng ama na ipapadampot sa pulisya dahil sa paggamit diumano nito ng bawal na gamot.

Inungkat din niya ang pagpapalayas diumano ni Cesar sa dalawamput-isang taong gulang sa bahay na ibinigay na raw ng ama sa kanya.

Ayon sa unang post ni Diego, na sinamahan niya ng larawang may nakasulat na 'hypocrite,' “Ito ka ???? @cesar_montano #sakaypa!!! Padamputin mo na ako lagyan ako ng karatula diba iyan ang sinabi mo?

“Kaming dalawa ng kapatid ko? Mag malinis ka na sakay ka na sakanila pero sariling mong anak di mo ipagtatangol. Sarili mo lang! Magaling ???????????????? best actor ka nga! Ano pang gusto mo? drug test? DNA test?"

Galit na galit ang tono, sabi pa nito, “Ako ba talaga anak mo? Ilan ba talaga kaming anak mo? Baka hindi ka pa sigurado. Pinapalayas mo pa ako sa bahay na iniwan mo para sakin.

“Samantalang wala ni isang piso hiningi ko sayo mula bata pa ako. Pang limang drug test na ipinagawa niyo sakin LAHAT negative pero lakas parin ng loob mo na pag bintangan akong adik. Ano pa ngayon? Ano pang intriga gusto mong gawin?

“Ramdam na ramdam ko nga na mahal mo ko. Salamat. Makadyos ka pa? Panay simba ka nga pero wala kang ginawa kung hindi gumawa ng kasalanan. I think i speak on behalf of all my siblings.

“SANA LUMABAS LAHAT NG BAHO MO. Duwag!! - written by the UNGRATEFUL child who was denied by his father. So really am i an UNGRATEFUL "CHILD" because to him i am not even his child.”

Ito ka ???? @cesar_montano #sakaypa !!! Padamputin mo na ako lagyan ako ng karatula diba iyan ang sinabi mo? Kaming dalawa ng kapatid ko? Mag malinis ka na sakay ka na sakanila pero sariling mong anak di mo ipagtatangol. Sarili mo lang! Magaling ???????????????? best actor ka nga! Ano pang gusto mo? drug test? DNA test? Ako ba talaga anak mo? Ilan ba talaga kaming anak mo? Baka hindi ka pa sigurado. Pinapalayas mo pa ako sa bahay na iniwan mo para sakin. Samantalang wala ni isang piso hiningi ko sayo mula bata pa ako. Pang limang drug test na ipinagawa niyo sakin LAHAT negative pero lakas parin ng loob mo na pag bintangan akong adik. Ano pa ngayon? Ano pang intriga gusto mong gawin? Ramdam na ramdam ko nga na mahal mo ko. Salamat. Makadyos ka pa? Panay simba ka nga pero wala kang ginawa kung hindi gumawa ng kasalanan. I think i speak on behalf of all my siblings. SANA LUMABAS LAHAT NG BAHO MO. Duwag!! - written by the UNGRATEFUL child who was denied by his father. So really am i an UNGRATEFUL "CHILD" because to him i am not even his child.

A photo posted by Diego Loyzaga (@diegoloyzaga) on

Sa isa pa niyang post, diretso niyang tinawag ang ama na ‘hipokrito.’ Makikita sa larawan si Cesar kasama si Philippine National Police chief Ronald 'Bato' dela Rosa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hypokrito. #sakaypa

A photo posted by Diego Loyzaga (@diegoloyzaga) on

BROKEN PROMISES. Sa kasunod na post ni Diego, ibinahagi niya ang post ng ama noong nakaraan tungkol sa mga nabayaran ni Cesar na tuition fee para sa mga anak nito kay Sunshine Cruz.

Kasunod nito, sinabi ng binata, na anak ni Cesar kay Teresa Loyzaga, “Salamat naman sa Diyos pinag-aral mo ang mga anak mo. Karapat dapat lang naman ata ng isang ama gawin yun eh no?

YEEY, SCHOOL TUITION OF MY 3 DAUGHTERS ARE PAID FOR THE ENTIRE YEAR 2016. I JUST PAID THEM! ALL GLORY TO GOD! I hate to do this making it public. I dont have to do this but after learning that some people get wrong info, oops got to do it now. Also i think i awe my 3 daughters(Angelina,Samantha, & Francesca) this information and their friends too. And i will do this again next time. Pls bear with me guys. IT HAS BEEN MY PASSION GIVING MY KIDS GOOD EDUCATION FROM DAY ONE. HOW BOUT U DIEGO TULOY MO NA COLLEGE MO HABANG BUHAY PA DAD MO.HEHE. BATA KAPA,U CAN DO BOTH, PAGAARTISTA AND SCHOOL. THERE'S NO SUBSTITUTE FOR EDUCATION... BASTA IM HERE FOR U. I LOVE U DIEGZ! I LOVE U ANGELINA, SAMANTHA,& FRANCHESCA. I'M ALWAYS HERE FOR U 100%. GOD BLESS U GUYS. @diegoloyzaga @akm17 @dollywood922 @shirleypizarro @akm17

A photo posted by @cesar_montano on

Matapos nito ay tinanong ni Diego sa ama kung bakit ang mga ipinangako nito sa kanya, hanggang ngayon ay wala pa rin.

Ikinagagalit nito na mula noong bata pa siya hanggang ngayon ay wala raw siyang natanggap na anumang suporta mula sa ama.

Ipinunto ng 21-year-old na may karapatan siyang magalit dahil hindi naman daw siya inasikaso o natulungan nito mula pagkabata.

"Pangako mo sakin? Nasaan na? Ayaw mo pa gawin to sa social media? Eh ako din ayoko sana pero puro ka hocus pocus. Daig mo pa magician.

"Wag ka nalang sana mag satsat kung di mo tutuparin. Sa lahat ng nakakabasa nito iisipin niyo siguro wala akong respeto kasi ama ko iyan pero sana tandaan niyo mula ng pinangganak ko ng nanay ko dineny ako niyan hangang ngayon ngayon!!

"Kaya siguro pwede ako magsalit[a] ng ganito.”

OTHER CRYPTIC POSTS. Nagbahagi si Diego sa Instagram ng iba pang mga matalinghaga at maanghang na posts laban sa ama.

Isa na rito ay ang tungkol sa kung mawala daw siya o biglang mamatay.

Makikita sa larawan ang mga salitang, "Come at me bro."

Saad pa ni Diego sa caption, “Asahan niyo na pag ako nawala bigla o makita niyo nalang ako sa news na pinatay ako dahil daw drug adik/pusher o kaya na accidente at namatay, alam niyo na kung bakit. ????????????????????????”

May ilan pang cryptic posts ang Kapamilya star patungkol pa rin sa hindi nila pagkakaintindihan ng ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HACKED ACCOUNT? May mga nagkomento sa account ng Star Magic actor na nagtatanong kung bakit nito napagsalitaan ang ama ng masasakit na salita.

May mga nagsasabi ding baka na-hack lang ang account ni Diego at hindi siya ang nagpo-post ng mga matatalim na salita laban kay Cesar.

Pero, ayon mismo kay Diego ngayong gabi, Pebrero 7, hindi na-hack ang kanyang account.

Kahit Tagalog daw ang ginamit niyang wika sa posts, at kahit lumaki siya sa Australia, kung saan nakabase ang ina.

Mababasa sa larawan ng kanyang post ang mga ganitong kataga: "Sa mga nag-aakalang hacked to porket tagalog ang Wikang ginamit ko. Pag hindi ko to tinanggal sa acct ko odi ako nga talaga ito!!!"

Saad niya sa caption, "COMMENT PA SIGE. SHOWBISS LANG PALA AKO?? Ka tagal tagal ko ng na nanahimik tungkol dito pero kahit sinong tao napupuno din!!! @cesar_montano"

LATEST DEVELOPMENT. Pebrero 7 rin nang burahin na ang lahat ng posts ni Diego sa Instagram niya dahil may nag-utos daw sa kanyang burahin ang mga ito.

Hindi pa rin nagbibigay ng anumang pahayag ang kampo ni Cesar.

Sa kasalukuyan, si Cesar ay namumuno sa Tourism Promotions Board, isang sangay ng Department of Tourism. Itinalaga siya sa posisyon ni Presidente Rodrigo Duterte.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN