Diego Loyzaga gets support from mom and half-sisters

IMAGE Instagram photo of Diego Loyzaga

"You have been a great brother to us Kuya Diego, you don't deserve this," says Angelina Isabele, daughter of Sunshine Cruz and half-sister of Diego Loyzaga.


Suportado si Diego Loyzaga ng mga kapatid niya sa ama sa mga hinaing ng binata tungkol sa amang si Cesar Montano.

Inilabas ni Diego sa Instagram kagabi, February 7, ang mga himutok niya laban sa ama, na isang premyadong aktor at direktor at sa kasalukuyan ay isang opisyal ng Department of Tourism.

Sa isa sa mga posts ng 21-year-old Kapamilya actor, makikita ang magkahiwalay na comment nina Samantha Montano at Angelina Isabele Montano—mga anak ni Cesar sa estranged wife niyang si Sunshine Cruz—para sa kanilang kuya.

Sabi ng 14-year-old na si Angelina Isabele, “You have been a great brother to us Kuya Diego, you don't deserve this. The three of us and mom are here for you no matter what, love you <3”


Sabi naman ng 12-year-old na si Samantha, “Stay strong Kuya Diego remember we're always here for you! Love you so much <3”


Bagamat magkaiba ang kanilang ina, malapit si Diego sa mga anak ni Cesar kay Sunshine. Narito ang kanilang larawan kasama ang bunsong anak nina Cesar at Sunshine na si Francesca, 11.

missed you girls ??

A photo posted by Diego Loyzaga (@diegoloyzaga) on

Napansin din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pag-like ni Sunshine sa ilang Instagram posts ni Diego kagabi.

Gayundin, ang ina ni Diego, si Teresa Loyzaga, ay sunud-sunod ang pag-like sa mga positibong comment ng netizens sa posts ng 21-year-old na anak nila ni Cesar.

Kabilang sa mga ni-like ni Teresa ang mensahe ni Angelina Isabel para sa kanyang kuya.



Ngunit hindi na makikita ang mga ito sa Instagram ni Diego dahil binura na ng binata ang kanyang posts kagabi.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Diego na napagsabihan siyang tanggalin ang kanyang mga post, na naglalaman ng mga hinaing laban sa amang si Cesar.

Nasabi ni Diego sa isa niyang post na pinagbantaan umano siya ni Cesar na ipadarampot dahil sa paggamit diumano niya ng ipinagbabawal na gamot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binanggit rin ni Diego sa isang post na pinaalis siya ng ama sa bahay na ibinigay na sa kanya.

Sa isang bahagi, sinabi ni Diego sa caption: “Mag malinis ka na sakay ka na sakanila pero sariling mong anak di mo ipagtatangol. Sarili mo lang! Magaling ???????????????? best actor ka nga! Ano pang gusto mo? drug test? DNA test?”


Stories We Are Tracking

Diego Loyzaga rants about dad Cesar Montano
Diego Loyzaga rants about dad Cesar Montano

Kagabi ay nagpadala ng text message ang PEP sa talent manager ni Cesar na si Shirley Pizarro para hingin ang pahayag ng aktor tungkol sa isyung ito.

Sa ngayon ay wala pang nakukuhang sagot ang PEP mula sa kanilang kampo.

Bukas ang PEP na ilabas ang anumang pahayag na nais iparating ni Cesar, Diego, at iba pang nabanggit sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN