Sunshine Cruz on Diego Loyzaga's rants against his dad: "Lahat ng tao may hangganan."

IMAGE Instagram

Sunshine Cruz on Diego Loyzaga's tiff with Cesar Montano: "It's really not my business. It's between Diego and his father. Ayaw po nating hanggang maaari na makisawsaw diyan kasi wala po tayong kinalaman. But I really love Diego... I'm just here to support him."


Inamin ni Sunshine Cruz na nabahala siya nang nabalitaan ang pagsasapubliko ni Diego Loyzaga ng hinanakit sa amang si Cesar Montano.

Malapit daw sa kanya ang 21-year-old actor.

Si Sunshine, 38, ay estranged wife ni Cesar, 54.

May tatlo silang anak na babae.

Anak naman ni Cesar si Diego sa ex-girlfriend at aktres na si Teresa Loyzaga.

Pahayag ni Sunshine, “Yung mga kapatid niya texted him. Yeah, I also messaged him if he’s okay.

“Of course, as his tita and as someone close to him, siyempre malungkot ako sa nangyayari.

“I’m really very worried about him. Pero in touch naman ako with Teresa.”

Dugtong pa ng aktres, "I'm just here to support him. Nandito kami, nagmamahal sa kanya."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment reporters si Sunshine pagkatapos ng presscon ng teleseryeng Wildflower, na ginanap sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN, ngayong hapon, Pebrero 8.

GOOD KID. Ano ang reaksiyon niya sa isiniwalat ni Diego na pinaghihinalaan diumano siya ng amang si Cesar na nagdrodroga?

Sagot ni Sunshine: “Nandun naman yata lahat sa kanyang statement and sagot tungkol doon."

Naniniwala ba siya sa alegasyong gumagamit ng droga si Diego?

Paiwas na sagot ng estranged wife ni Cesar, “Naku! Mahirap natin... Huwag niyo na akong i-involved.

"Basta mahal ko si Diego at mahal ko si Teresa.”

Hangga’t maaari ay ayaw daw makialam ni Sunshine dahil isyu ito sa pagitan ni Cesar at anak nitong si Diego.

Gayunpaman, hindi raw masisisi ni Sunshine si Diego sa hindi inaasahang paglabas nito ng sama ng loob sa ama.

Aniya, “Wala kayong narinig na kahit ano sa bata, I guess, lahat ng tao ay may hangganan.”

Sa huli, ang tanging masisigurado raw ni Sunshine ay "mabait na bata" ang pagkakakilala niya kay Diego.

Katunayan daw, malapit din ang binata sa tatlong anak nila ni Cesar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Sunshine, “Ever since naman kasi, I’m really very close to Diego and Teresa.

“Pupunta sa bahay ‘yan, nakikipaglaro ng PS4 sa mga kapatid niya sa akin.

“And dumaan ‘yan nung New Year sa akin kasi si Teresa was in Australia.”

Ayon kay Sunshine, sa ngayon ay nandito na sa Pilipinas si Teresa, at nagkausap na rin daw sila.

Gayun pa man, "Ayaw po nating hanggang maaari na makisawsaw diyan kasi wala po tayong kinalaman.

"But I really love Diego. And my kids are very proud and they love Diego," pagtatapos ni Sunshine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN