Former Senator Ramon Revilla Sr. under observation after heart surgery

IMAGE Jojo Gabinete

Sumailalim si dating-Senador Ramon Revilla Sr., 95, sa transarterial aortic valve replacement ngayong Miyerkules, February 8. Pinayagan din ng Sandiganbayan Division 1 si former Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. (pangalawa mula sa kaliwa) na mabisita ang maysakit na ama. Naroon din ang iba pang anak ng dating-Senador kagaya nina (mula kaliwa) Marlon, Andrea Bautista-Ynares, apong si Jolo Revilla, at ang manugang na si dating-Senador Robert Jaworski kasama ang asawang si Evelyn na panganay na a


Nagpapasalamat si former Senator “Bong” Revilla, Jr. sa lahat ng mga nagdasal para sa successful surgery ng kanyang ama, si ex-Senator Ramon Revilla Sr., 95.

Sumailalim ang dating aktor sa transarterial aortic valve replacement sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig City, kaninang umaga, February 8.

“Tapos na po ang procedure na ginawa sa aming ama... at ngayon po ay nailipat at nasa ilalim na siya ng pag-oobserba sa ICU," simula ng mensahe ni Bong Revilla.

“Maraming, maraming salamat po sa inyong mga panalangin at nairaos po ang operasyon ng walang insidente.

"The procedure was a medical success! Dahil sa ating sama-samang pagdarasal ay tunay na ginabayan ng Panginoon ang mga doktor na nagsagawa sa kanya ng maselang operasyong ito.

“Hiling ko lamang po ang patuloy ninyong mga dalangin para sa agarang panunumbalik ng kanyang lakas at kalusugan at matagumpay niyang malampasan ang lahat ng ito.

“Muli, maraming salamat po, “ ang taos-puso na pasasalamat ni Bong.

Pinayagan siya ng Sandiganbayan Division 1 na dalawin sa ospital ang kanyang ama nang dalawang oras mula seven a.m. ngayong araw at bukas ng Huwebes, February 9, mula four p.m. hanggang eight p.m.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN