Why Kim Idol won't give expensive gift in exchange for love

IMAGE Noel Orsal

Kim Idol does not feel the need to give expensive gift in exchange for love: "Minamahal po ako ng lalaki kahit hindi ako nagbibigay."


“Minamahal po ako ng lalaki kahit hindi ako nagbibigay,” deklara ni Kim Idol nang tanungin kung tulad ba ni Chokoleit ay kaya niyang magbigay ng mahalagang gamit mapansin lang siya ng type niyang lalaki.

Naging usap-usapan kasi ang diumano’y pagbibigay ng mamahaling cellphone ni Chokoleit sa isang non-showbiz guy, na makikitang kahalikan niya sa isang viral video kamakailan.

WATCH: Chokoleit "kissing scandal" video becomes viral

Lahad pa ni Kim, “Saksi po sila Boobay kasi nakikita nila ‘yong mga nagpupunta…

"At saka mayaman po ang mga nagiging jowa [boyfriend] ko.

“Yung pinaka-last po ay sa International School po nag-aaral, ayaw ko na lang po banggitin kung saan.

“Hindi ko po kasi kailanman naranasang magbigay ng isang bagay, lalo na kung magbibigay ng pagmamahal at ang kailangan na kapalit ay gamit.

“Basta lahat po ng nagiging jowa ko ay hindi pumapatol sa bakla dahil gipit.”

Diin pa niya, “Pumapatol sa bakla dahil nagmamahal.”

Bukod kay Kim, naroon din sina Terry Gian, Tammy Brown at Nar Cabico sa press conference ng Full House Tonight kahapon, February 7.

Dito ay napagusapan kung typical nga ba sa mga bakla ang pagbibigay ng mamahaling bagay sa mga lalaking napupusuan nila.

NOT ME. Ani Terry, na mas kilalang Inday sa weekly cooking show ni Regine Velasquez na Sarap Diva, “Hindi pa po ako umaabot sa ganun, pero kung tatanungin, hindi.”

Agad naman nitong binawi ang sinabi, “Pero ayaw kong magsalita nang ‘tapos kasi baka bukas makita ninyo may binigay ako, ‘Ay, sabi mo hindi.’

Pahabol pa nito, “Pero as of now, hindi po. Ayaw ko po kasi ng ganun.”

Halos ganito rin ang sagot ni Tammy Brown, na kilalang impersonator ng singer na si Jaya.

Aniya, “Sa isyu ng nagbibigay ng mamahaling gamit, hindi ko pa po actually nagawa ‘yon.

“Kasi hindi naman po ako masyadong nanlalalaki, totoo po ‘yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ito po ay dala lang ng kagipitan kaya po ako nakapambabae.

“Hindi pa po talaga ako ganun at hindi pa po nangyari sa akin ‘yon.”

Naging matipid naman ang sagot ng dating Celebrity Duets contestant na si Nar Cabico, “Hindi po. Never.”

DID CHOKOLEIT GIVE AN IPHONE 7? Kasunod ng pagiging viral ng pakikipaghalikan ni Chokoleit sa isang lalaki ay ang paglitaw ng isang screen capture ng post ng isang lalaki.

Sa post ay sinabi nito, “Ang sarap pala ni Chokoleit. Thanks Aliah sa pag video, at may iPhone nako from Chokoleit.”

Wala pang anumang komento ang komedyante tungkol dito.

Pero sa kanyang Twitter account, nag-post siya ng linya mula sa pelikulang No Other Woman: “Kiss me and don’t you dare fall in love with me.”

Kasunod nito ay nag-post ito ng isa pang mensahe na tila pagkibit-balikat niya sa mga negatibong komento tungkol sa kanya.

Aniya, “Social media trolls are immature, shallow and senseless, so why bother? Instead, pity the petty.”

Sa panayam sa malapit na kaibigan ni Chokoleit na si Vice Ganda, sinabi niya na hindi niya pinaniniwalaan ang bali-balitang pagbigay ng mamahaling gadget ni Chokoleit kapalit ng halik.

Sabi pa ni Vice, “Kahit ano ang sinasabi natin kay Chokoleit, may isang tao na naniniwala na attractive at handang halikan siya.

"Yun ang totoong tagumpay.”

Biro pa niya sa huli, “Masaya si Chokoleit dahil na kay Chokoleit ang totoong korona. I love Chokoleit!”


Stories We Are Tracking

Vice Ganda happy for Chokoleit viral kissing video
Vice Ganda happy for Chokoleit viral kissing video


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN