Miss Universe 2016 Iris Mittenaere brushes off lesbian issue; declares love for boyfriend Matthieu Declercq

IMAGE Instagram

Miss Universe 2016 Iris Mittenaere of France (left photo) clarifies that she is not a lesbian and that the blonde girl being linked to her seen in the right photo is her close friend Camille Cert.


Tiniyak ni Miss Universe 2016 Iris Mittenaere ng France na isa siyang tunay na babae at hindi isang lesbian.

Kaugnay ito ng naging ispekulasyon sa kanya nang mag-viral sa social media kamakailan ang ilang larawan niya kasama ang isang babae.

Binigyang-kulay ng iba't ibang online publications at netizens ang mga larawan ni Iris kasama si Camille Cert, na nakilalang pageant sister niya.

Mula sa Instagram accounts ng magkaibigan ang mga larawang binigyan ng malisya.

Parce que certaines histoires semblent videntes ???????? @irismittenaeremf

A photo posted by CERF Camille (@camillecerf) on

"Camille is my best friend and I love my boyfriend Matthieu," pahayag ng French beauty queen sa GMA News. "I really love her, but I am not with her. She is not my girlfriend."

Ang tinutukoy na boyfriend ni Iris ay si Matthieu Declercq na nanood din sa Miss Universe pageant sa Pilipinas noong January 30.

Base sa mga Instagram post ni Matthieu, isa siyang proud boyfriend sa kanyang beauty-queen girlfriend.

Thx Manilla !!! ???????????????? ! Inoubliable !!! #missuniverse

A photo posted by Matthieu Declercq (@kokomat) on

Si Iris ang ikalawang Miss Universe mula sa France pagkatapos ng maraming taon.

Ang pinakaunang kandidata mula sa France na naging Miss Universe ay si Christiane Martel noong 1953.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN