Aiko Melendez speaks up about reason behind breakup with Persian boyfriend

IMAGE Instagram

Aiko Melendez asked on reason behind breakup with Persian boyfriend. "Kapag ang mga anak ko ang nasasaktan, kahit sino pa 'yan, tablado."


Sinabi ni Aiko Melendez, 41, na na-hack ang kanyang Facebook account ng isang taong kilala niya at pinakialaman ang kanyang social media account.

Ikinagulat kasi niya na may mga kaibigang bumati sa kanya dahil sa status sa kanyang Facebook account na “engaged to be married.”

Biro pa ni Aiko, nagulat nga raw siya na engaged na pala siya na wala siyang kaalam-alam.

Nai-report na raw sa admin ng Facebook ang nangyaring pangha-hack at sinisikap na mabawi ang kanyang account.

Inamin niyang malapit sa kanya ang taong nag-hack ng kanyang account pero tumanggi siyang pangalanan ito.

Paliwanag pa ni Aiko, “Ang fault ko, gumawa ako ng password na siguro masyadong identified sa akin na kahit sino madaling hulaan.

“Siguro naging careless rin ako na yung cellphone ko, naiwan ko kasi mahilig ako na yung cellphone ko inilalagay ko lahat ng notes ko.”

Sabi naman ng aktres tungkol sa hacker ng phone niya, “Siguro ayaw lang niya akong maging masaya. Siguro, ayaw rin lang niya ding mag-move on din.”

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktres sa press conference ng upcoming teleserye sa ABS-CBN, ang Wildflower, na pinagbibidahan ni Maja Salvador.

Nangyari ang presscon nitong Miyerkules, February 8.

THE EX-BOYFRIEND. Hindi naman matiyak ni Aiko kung ang kanyang dating Persian boyfriend na si Shain Alimirzapour ang hacker.

Sabi ng aktres, “I don’t know. I believe na nung last Christmas at New Year naman nagkaroon naman kami ng decent greetings to each other.

“I hope it’s not him. Kasi tahimik na siya. Tahimik na rin ako. So, sana maging tahimik na lang lahat.”

Kagaya ng marami, inakala rin ni Aiko na pang long-term na ang dating foreign boyfriend.

Naging makahulugan ang sagot ni Aiko at posibleng dahilan kung bakit nagkahiwalay sila.

“You know, when my kids get in the way at pag mga anak ko ang masasaktan, kahit sino ka pa, kahit ‘yan na yun at hindi approve sa mga anak ko, bibitiwan ko talaga ‘yan,” paliwanag ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw naman niya na hindi siya nawalan ng panahon sa mga anak kahit na may boyfriend siya noon.

Dalawa ang anak ni Aiko: sina Andre, 17, na anak kay Jomari Yllana; at Marthena, 9, na anak naman niya kay Martin Jickain.

KIDS COME FIRST. Iwas naman si Aiko na sabihin ang dahilan ng paghihiwalay.

“Mahirap sabihin. Ayokong maapektuhan ang mga anak ko.

“Basta, nag-decide ako ng ganito kapangahas na desisyon.”

Kung pagbabasehan ang mga larawang ipinost ni Aiko sa kanyang Instagram noon, makikitang tila malapit ang loob ng kanyang mga anak sa dating kasintahan.

“I was trying.

“Pero I guess may mga bagay na hindi mo kayang ipilit, huwag mo na lang ipilit. Kasi mas marami pang taong masasaktan,” makahulugan niyang paliwanag.

Sinikap ba niyang mapalapit sa dating karelasyon ang mga anak?

“I did pero babalik din ako doon sa na kapag ang mga anak ko ang nasasaktan, kahit sino pa ‘yan, tablado.”

Sinikap naman daw ng ex-boyfriend na mapalapit sa kanyang mga anak.

“Sabi nga ni James Ingram, ‘He did is best but his best wasn’t good enough.’”

Wala raw pinagsisisihan si Aiko sa anim na buwang relasyon niya sa ex-boyfriend.

“Sa lahat naman ng mga ginagawa ko I don’t regret anything kasi it makes me a better person.

“Pero sana, ang lagi mo lang naman na babalikan diyan ay yung mga oras na nasayang na sana ganito na lang pala yung ginawa mo.

“Pero nandyan na ‘yan e, laban ka na lang nang laban.”

NO PHYSICAL ABUSE. Nililinaw ni Aiko at iginiit pa niyang walang physical abuse na nangyari sa kanya, mga anak niya, sangkot ang ex niya.

“Definitely walang physical. Diyos ko, nagti-training ako ng boxing ano.

“I would never allow anyone to hurt me physically. Emotional, yes.

“Sa lahat ng relasyon ang nasasaktan yung emotion mo. Emotion mo ang panlaban mo diyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Emotionally yes,” na nasaktan daw siya.

Tinanong naming si Aiko kung may verbal abuse bang nangyari sa pagitan ng mga anak niya at ng dating karelasyon.

“Ang hirap kasi, e,” pag-iwas ni Aiko.

“Kasi if I expound on the story on what really happened parang binreak ko rin naman yung respeto ko sa kanya na hindi naman siya artista.

“And parang binreak ko rin yung usapan namin ni Andrei na kung ano yung dapat nangyari sa incident na yun.

“So, I’d rather na huwag na lang pag-usapan kasi pareho ko silang masasaktan pero mas lalong ayokong masaktan si Andrei.”

Inusisa rin namin si Aiko kung ano ang reaksyon ng dating karelasyong si Jomari, ama ni Andrei, tungkol sa nangyari.

Sagot niya, “Wala siyang opinyon. Kasi when it comes to my private life and the same way na respeto ko na rin kay Jom, kasi may girlfriend si Jom ngayon at hindi rin naman kami nag-uusap ngayon.

“I think it’s but respect for me na huwag na ring makialam. Tutal corner ko ‘yan, side ko ‘yan, inayos ko na rin at ginawa ko kung ano ang nararapat.

“I think dapat lang na umalma si Jomari kung may naagrabyado.

“Pero hindi ko na nga in-allow na may maagrabyado.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN