Solenn Heussaff admits having less time for husband Nico Bolzico

IMAGE Noel Orsal

Solenn Heussaff explains reason for postponing plan to start a family with husband Nico Bolzico: "In the last two years, iba-iba 'yong work na dumadating sa akin, so I want to try everything."


Aminado si Solenn Heussaff na mas nabawasan ang oras niya ngayon para sa asawang si Nico Bolzico dahil sa dami ng proyektong kanyang ginagawa.

Bukod sa pagiging bahagi ng primetime series na Encantadia at isa sa mga hosts ng Taste Buddies, makakasama rin si Solenn sa bagong weekly comedy-musical show Full House Tonight, na magsisimula sa February 18.

“Actually, mas naging worse ngayon. Wala akong time para sa kanya,” nakangising sabi ni Solenn nang banggitin sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang minsang naging dahilan ng argumento nilang mag-asawa sa isang episode ng reality show na It Girls.

Patuloy niya, “Pero like I said, work muna. When the time comes to settle down or to lessen, gagawin ko yun.

“Busy din siya sa work niya. We’re still very young so we’ll still have time for each other.

"Hello, buong life ko I’ll be with him, so may time talaga."

Ikinasal sina Solenn, 31, at Nico, 33, noong May 22, 2016.

Bagamat halos mag-iisang taon na silang kasal, sinabi ni Solenn na wala pa sa plano nila ngayong taon ang magkaroon ng baby.

“Not right now,” sabi ng aktres na gumaganap bilang Cassiopeia sa Encantadia.

“Siguro in the near future, like next year, ita-try ko.

“But right now, iba-iba ‘yong work na…For the last two years, iba-iba ‘yong work na dumadating sa akin, so I want to try everything.

“Baka mag-shoot din ako ng movie in March with Paulo Avelino.

"‘Tapos nag-audition din ako para sa isang American movie.

"So it’s not the time yet for that.”

Samantala, kapansin-pansing hindi nababakante sa trabaho si Solenn dahil sa sunud-sunod na mga proyektong ginagawa niya.

Sabi ni Solenn, “I’m super happy kasi hanggang ngayon, hindi pa ako marunong mag-Tagalog ng 100 percent.

“Sabi ko, I must be doing something right kung may work naman ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, sabi pa ng actress-singer-painter, “For me, wala naman secret diyan. Just keep your mind open and always be easy to work with ‘tapos magkakaroon ka ng trabaho.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN