Dingdong Dantes opposes revival of death penalty

IMAGE Noel Orsal

Dingdong Dantes on violence against children: "Bilang magulang, talagang nakakadurog ng puso na malaman na may mga ganoong klase ng taong kayang gawin yun."


Bagamat ilang beses nang nakapag-host ng TV shows, bagong karanasan pa rin daw para kay Dingdong Dantes ang gagawin niya sa upcoming show ng GMA Network, ang Case Solved.

Ito ay isang documentary investigative program na maglalahad ng mga totoong kaso at krimeng maituturing na "solved" at kung paano ito nabigyan ng hustisya.

Kung sakaling may kapangyarihan raw si Dingdong na maging isang crime buster, ang mga krimeng may kaugnayan sa pang-aabuso sa mga bata ang isa sa mga una niyang gustong masugpo at masolusyunan.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa press conference ng Case Solved noong Martes, February 7.

Ayon sa aktor, "Siguro, crimes that are abusing children. Crimes na may kinalaman sa mga bata, pag-abuse, pagpatay. Yung unang-unang episode namin, tungkol sa isang nine-year-old na ni-rape 'tapos pinatay.

"Bilang magulang, talagang nakakadurog ng puso na malaman na may mga ganoong klase ng taong kayang gawin yun."

Ang pilot episode ng Case Solved ay mapapanood sa February 18, Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga!

Sabi pa ni Dingdong, "You'll be surprised kasi, yung pinagdaanan ng research at ikukuwento later on [sa presscon], makikita mo kung ano ang pinagdadaanan ng kriminal sa utak niya kung bakit niya ginawa.

"So para sa akin, walang lugar ang ganoong klase ng mga tao sa mundo natin.

"And it is our duty to protect our loved ones.

"How do we protect? By knowing kung ano ang mga dapat gawin at kung ano ang mga halimbawang pupuwedeng mangyari kung sakaling ma-encounter mo ang mga ganitong krimen."

Sa usapin ng ganoong krimen, bilang isang ama, sinisigurado ni Dingdong na ibinibigay niya ang lahat para sa safety ng anak na si Maria Letizia.

Aniya, “Gagawin ko ang lahat, ibibigay ko ang buong buhay ko para maproteksiyonan ko siya.”

A photo posted by PEPalerts (@pepalerts) on

TIMELY SHOW. Ang upcoming show ni Dingdong ay napapanahon dahil na rin sa mga kaganapan ngayon sa bansa, lalo na pagdating sa krimen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga nagsusulong nga na maisabatas ang death penalty, kaya naman hiningi ng PEP ang kanyang pananaw tungkol sa isyung ito.

Sabi ng aktor, "More than ever, and as a father and husband, I join the people’s seemingly endless clamor for an effective and efficient justice system that would truly address all sorts of crimes and abuses, especially the heinous ones.

“We are very tired, almost hopeless, on the general lack of relevance and reliability of the institutions established to protect us, our families, and loved ones.

“Without such relevance and reliability, where else can we go to seek justice, protection and reparation?

"I share the people’s demand for justice that must be timely available to all as a rule, not as an exception, which we deserve—nothing less."

Kaye naman, importante raw para sa aktor ang due process.

Sa pagpapatuloy niya, "Having said that, I support a government that guarantees due process, proceeds based on the rule of law, and is guided by a set of moral values that Filipinos have shared from generation to generation, something that has made us ever so resilient and uniquely Filipino admired for such around the world.

"While we still have a long way to go in terms of our search for justice, peace, safety, and security, our one and true solution is to fight for the strengthening of government institutions because the problem is not with these established institutions and the existing governmental policies, but with the people who run the government.

"For these reasons, I am opposed to the revival of the death penalty on legal, scientific, and moral grounds."

Ayon kay Dingdong, hindi pa napapatunayan ng anumang study na may epekto ito para mabawasan ang krimen.

"First, as signatory to the Second Optional Protocol to the United Nations International Covenant on Civil and Political Rights [ICCPR], the Philippines cannot reimpose the death penalty without running counter to said treaty.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At the very least, there will be serious legal and international repercussions.

"Second, studies have shown that the death penalty has not served to deter crimes and so it was abolished. There simply is no basis for us to believe that it will work this time, and experimenting on it will entail grave societal costs.”

"Lastly, and most importantly, we seek justice not retribution.

“We need not see justice as thirst for blood lest we create a culture of violence among us, in which case, we will see our long shared moral values disintegrate as they are replaced by hate and anger.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN