Vin Abrenica hopes Aljur and Kylie's baby will be a boy

IMAGE Noel Orsal

Vin Abrenica on being a Kapamilya: "Awesome, ramdam ko ang pag-aalaga sa lahat ng aspeto."


Kung si Vin Abrenica ang tatanungin, gusto raw niyang lalaki ang magiging unang pamangkin niya sa nakatatandang kapatid na si Aljur Abrenica at fiancee nitong si Kylie Padilla.

“I hope it’s a nephew, I would want it to be a nephew.

“Kasi parang kuya ko, siya yung halos panganay sa lahat ng magpipinsan at naging protector siya ng lahat.

“So I want his baby to be a boy sana,” sabi ni Vin.

Nai-imagine na nga raw niya kung anong klaseng tito siya.

“Excited na excited ako sa baby,” pahayag ni Vin.

“First baby iyon sa family namin at nanggigigil na ako ngayon.

“Alam mo iyong parang bubuhatin ko na siya. Gusto ko nang sabihin na blood of my blood.”

Sa tono ng pananalita niya, tila magiging spoiled sa kanya ang future pamangkin.

“Ako kasi, hindi ko baby iyon, so alam ko i-spoil ko siya,” sabay tawa ng aktor.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vin sa grand presscon ng kinabibilangan niyang Kapamilya teleseryeng Wildflower, na ginanap noong February 8, sa 9501 restaurant sa loob ng ABS-CBN compound.

FIRST TELESERYE AS KAPAMILYA. Bukod sa excited siya na maging tito, isa pang dahilan ng kaligayahan ni Vin ngayon ay ang mapabilang sa cast ng Wildflower, na mapapanood simula sa February 13.

Ito ang kauna-unahan niyang teleserye bilang Kapamilya simula nang lumipat siya sa ABS-CBN noong isang taon.

Dati siya nasa TV5 kung saan siya nanalo sa Kapatid artista search na Artista Academy.

Noong lumipat siya sa ABS-CBN ay nagsunud-sunod ang guest appearances niya sa Kapamilya shows, pero siyempre, iba raw talaga kapag may regular teleserye na.

“Ako po, sobrang saya talaga na nandito ako.

“Umuuwi ako gabi-gabi, hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na kasama na ako sa isang soap sa ABS na matagal ko nang pinagdarasal.

“Last year pa noong kakalipat ko pa lang, pinapangarap ko na talaga ito,” sabi ng bagong Kapamilya actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman ang experience niya so far bilang Kapamilya?

“Awesome, ramdam ko ang pag-aalaga sa lahat ng aspeto.

“Pag-alaga sa career ko, pag-alaga sa akin bilang tao, sa lahat, ramdam na ramdam ko.

“Ang masasabi ko lang, napakasarap nilang mag-alaga.”

Isa si Vin sa tatlong leading men ni Maja Salvador sa Wildflower. Kumusta namang katrabaho si Maja?

“Sobrang dami kong natututunan sa kanya,” aniya.

“Ginulat niya talaga ako nang matindi.

“Hindi ko ine-expect lahat ng ginawa niya sa akin.

“May magandang-maganda kaming eksena.

“Binasa ko yung script e sobrang simple lang. Yung ginawa ni Maja, sinurpresa niya ako, and alam ko, soon, masusurpresa niya rin kayong lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN