Erich Gonzales confirms breakup with Daniel Matsunaga: "It's over."

IMAGE Instagram

What caused the Erich Gonzales-Daniel Matsunaga breakup? The actress refused to give details, but she clarified, "Walang third party po."


“It’s true na we’re not together anymore, it’s over.”

Ito ang pagkumirma ni Erich Gonzales sa balitang hiwalay na sila ni Daniel Matsunaga.

Ayon sa Kapamilya actress, wala na silang komunikasyon ng Brazilian-Japanese model.

Hindi rin daw sila magkaibigan.

"To be honest ayokong magdetalye, I just wanna move on.

"Hindi kami nag-uusap, it’s not true that we are talking, hindi kami magkaibigan," sabi ni Erich sa panayam sa kanya ng Cinema News at PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kanina, February 9, matapos siyang pumirma ng bagong kontrata sa ABS-CBN.

Umiwas si Erich sa tanong kung ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Pero nilinaw niya, “Walang third party po.

Diretsahan ding tinanong si Erich kung may kinalaman sa pera ang paghihiwalay nila ni Daniel.

Paiwas na sagot ng aktres, “Tungkol sa pera, ayoko nang magdetalye tungkol diyan because just like what I’ve said, I just want to move on.

“Hopefully, it’s gonna get better.”

Hindi rin niya sinagot kung sino sa kanila ni Daniel ang nagdesisyong makipaghiwalay.

“Like I’ve said ayoko nang magdetalye pa.

“I want to move on, I want to help myself, so that’s what I am doing,” matipid na sagot ni Erich.


Stories We Are Tracking

Daniel defends Erich amidst third-party rumor
Daniel defends Erich amidst third-party rumor
Erich Gonzales and Daniel Matsunaga's travel photos
Erich Gonzales and Daniel Matsunaga's travel photos
Stars who found a BFF in brother's lady love
Stars who found a BFF in brother's lady love

LIFE GOES ON. Mabigat man ang pinagdadaanan niya sa ngayon, matapang itong hinaharap ni Erich.

Malaki rin ang pasasalamat niya sa mga taong hindi siya iniwanan sa gitna ng pagsubok na ito.

Aniya, “I think I just have to accept na may mga bagay na talagang which we cannot control.

“May mga nangyari sa buhay natin na di natin kontrolado, so life goes on.

“Of course, nandiyan ang pamilya natin, yung mga kaibigan natin, yung mga supporters natin.

“Thankful ako dahil yung loyalty nila laging nandiyan.

“Sila yung isa sa nagbibigay ng lakas sa atin at siyempre ang Diyos. Siya yung nakakaalam ng lahat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STAYING OUT OF SOCIAL MEDIA. Inamin ni Erich na dahil sa pangyayari, umiwas muna siya sa social media.

Di rin itinanggi ng aktres na binura na niya ang lahat ng mga larawan nila ni Daniel at in-unfolow na rin niya ang lahat ng taong may koneksiyon sa dating boyfriend.

“For a time. I don’t read any comments na,” aniya.

“Siyempre, people want to believe what they want to believe.

“Like what I’ve said, kami lang ang nakakaalam kung ano talaga ang totoo.

“Kailangan ninyong mag-post ngayon sa Twitter, ngayon na may mga comments dahil commitments, so hayun.

“Yes, I deleted all the photos, I unfollow them, and like I’ve said, I just wanna help myself.”

Kapansin-pansin ding nagpagupit si Erich, bagay na umano’y madalas ginagawa ng mga babae sa tuwing nakararanas ng breakup.

Sabi naman ng aktres tungkol dito: “For a change, fresh start, new beginnings.”

Bukas ba siya sa posibilidad na makipagkaibigan kay Daniel?

Sagot niya, “Friends? Sa nararamdaman ko ngayon, hindi po. Yun lang I don’t wanna say anything more.”

Dahil sa nangyari sa kanilang relasyon, natutunan daw ito ni Erich: “Lesson siguro pag nagmahal ka, kailangang magtira ka para sa sarili mo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN