The love story of Nadia Montenegro and Macario "Boy" Asistio

IMAGE Noel Orsal / Facebook

Sa loob ng 28 years na pagsasama nila, never daw sinigawan o tinaasan ng kamay ng namayapang pulitiko na si Macario "Boy" Asistio ang long-time partner nitong si Nadia Montenegro.


Sa loob ng 80 years na nabuhay si Macario "Boy" Asistio Jr. sa mundong ito, 27 years ay iginugol niya sa pamilyang binuo nila ng partner na si Nadia Montenegro.

Read: Ex-Caloocan Mayor Boy Asistio dead at 80

Paano ba umusbong ang pagmamahalan ng dalawa?

Minabuti ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na himayin ang love story nila na nagsimula noong late 80s.

SANTACRUZAN. Mid-80s nang inilunsad si Nadia bilang isa sa stars na kasali sa second batch ng Regal Babies, kung saan kasabayan niya sina Gretchen Barretto at Janice de Belen.


Noong mga panahon ding iyon, namamayagpag ang apelyidong Asistio sa Caloocan.

Kuwento ni Nadia sa exclusive interview ng PEP sa kanya kagabi, February 8, “Si Boy, nung mayor siya, siya nagpasimuno ng bonggang Santacruzan na lahat na yata ng superstars, naging Reyna Elena dun.



"E, malaking bulas ako, akala niya siguro matanda na ako, e, 13 lang ako nun.

"Noong nalaman niyang 13 lang ako, medyo nagpapadala na ng flowers. Pero nung nalaman niyang 13 lang ako, natigil yun.


“Hanggang sa every year na ‘yan, ako na yung kasama sa Santacruzan. And then, nung 16 na ako, talagang nagpursige na.

“And he told me, 'In 6 months na hindi ka pa na-i-in love sa akin, puputulin ko lahat ng daliri ko.'”


Noong mga panahong yun ay 53 years old na si Boy.

Si Nadia naman ay nagsimula nang makilala sa showbiz. Siya ang gumanap bilang Julie Vega sa The Life Story of Julie Vega, na ipinalabas isang taon matapos mamatay ang sikat na teen star noong 1985 sa edad na 16.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ni Nadia, “Talagang pursigido siya. Won the hearts of my family. Nagdi-date-date kami mga three years.

"Noong nagsama kami, 18 na ako. Nagkaanak na ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ASISTIO INFLUENCE. Paano nga ba napapayag noon si Nadia na sa murang edad nito ay magsama na sila ni Boy sa iisang bubong?

Lahad ni Nadia, 44, “Noong una, takot pa ako, kasi Asistio, di ba? Sa politics, yung mga Asistio, mga ano yun, parang super tough guys.

"Takot pa ako kasi baka 'pag hindi ko sagutin 'to, baka ano pa...but he's such a charming guy.

"Hindi ko na sasabihin kong sino yung mga kasamahan niyang nanligaw sa akin pero talagang sa kanya lang ako [napa-oo].”

Dagdag pa ng aktres, "And then he told me na, 'Tumigil ka na sa pag-aartista.'

"Sabi ko na, ‘Hindi puwede, ayoko.'


"Uhm, sabi niya, 'Kapag nagsama na tayo, sa bahay ka na lang,' ganyan-ganyan.

"Hanggang si Tito Dougs [Douglas Quijano], yung manager ko, ang nagsabi kasi palagi akong hindi puwede [sa mga raket] na, 'Gusto mo kausapin ko na si Mother Lily [Monteverde]?

"'Ipa-cancel na natin yung contract kasi alam ko, pagod ka na, at ito na rin yung pinakahihintay mo na may magmahal sa 'yo.'


"Nung manggaling na kay Tito Dougs, dun na ako parang sign na yun kasi yun ang tatay ko, e."

HARD SITUATION. Ang naging malaking gusto sa pag-iibigan nila ay kasal at hindi pa hiwalay si Boy sa una nitong asawang si Veronica Jones, isa ring aktres at kapatid ni Jaclyn Jose.

Paano siya napapayag na magsama sila gayong hindi pa ito hiwalay sa una nitong asawa?


Saad ni Nadia, “It was a hard decision, e. Pero wala na, e. Nahulog na, e.

"Kasi nung bata ako, well, noong una, bago ko siya sinagot, sinabi ko sa sarili ko na alam ko kung ano ang sitwasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"So it was a choice either na panindigan ko or huwag na lang.

"E, pinanindigan ko.

"I knew naman where I stand. Naging difficult kasi bata ako, pero I was mature na he had to be somewhere else or kung hindi man makarating sa bahay, alam ko na.


"And siyempre occasions were very hard, Valentines, Christmas, may kahati ka sa lahat."

Kailan yung panahon na pumirmi na si Boy sa bahay nila ni Nadia?

Sagot ng aktres, "Nung nagkasakit na siya. Kasi he’s really close to the kids. May kanya-kanyang toka sila sa pag-aalaga sa daddy nila.

"So I guess it was more being with them na."

Naging maayos din daw ang samahan nila ni Veronica.

"Naging ano na kami, best of friends na kami na we would make life easy for him. Basta yun ang naging pact naming lahat even for the other families na si daddy lahat."


Ayon pa kay Nadia, maayos din daw ang relasyon niya sa isa pang pamilya ni Boy sa Amerika.

Aniya, “Wala namang mga hang-ups yung mga yun.”

Nitong mga panahong nagkakasakit na raw si Boy at labas masok na sa ospital, napagdesisyunan raw ng pamilya ni Veronica (seated, second from right) at lima nitong anak na lumipat na sa village kung saan sila nakatira upang mas malapit na sila kay Boy.


DOTING DAD. Between her and Boy, mas malapit daw ang kanilang mga anak sa ama.

Meron silang walong anak: Yssa, Ynna, Yana, Yka, Zander, Samantha (anak ng isa mga anak ni Boy), Sophia, at Ayesha.


“Spoiler" daw kasi si Boy, habang si Nadia ay isang disciplinarian.

Tsinitsek daw nito ang lahat ng mga bata, kung saan sila, kumain na ba ang mga ito, at kung nakauwi na ba ng bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad pa niya, "Hindi 'yan natutulog kapag hindi kumpleto ang mga bata sa bahay.

"Parati kaming nag-a-argue niyan dahil walang mali sa mga ginagawa ng mga anak niya."


Pero kapag may mali naman daw ang mga ito, kakausapin daw niya nang maayos at masinsinan ang mga ito.

28 YEARS OF TOGETHERNESS. Bakit nga ba sobra niyang mahal ang kanyang long-time partner?

Paliwanag ni Nadia, 'Never nanakit 'yan, never ako minura niyan."

Yung greatest fight daw nila ay nangyari noong taong 2004 kung saan nahuli niya itong nambabae.

Halos dalawang buwan daw silang hindi nag-uusap pero kalaunan ay naayos din.

Narito ang mensahe ni Nadia kay Boy na ipinost niya sa Instagram noong ipinagdiwang nila ang kanilang 28th anniversary:

“They said we weren't gonna last more than a year. But we only got stronger as the years went by. They said relationships like ours are not from up above.

"We were judged, ridiculed, but together, we proved them wrong. I met you at 16 and I left everything to God. I just thank him cause gone are the days of sleepless nights, falling asleep from crying too hard making sure no one would take my place.

"Now...after 28 years I still give you my word....that I will love you till my dying day. I will take care of you till your last breath. I ask God everyday for more and more years with you coz I wouldn't know how to live without you.

"You teach me to be stronger everyday as fear tries to take over my soul, you teach me to cherish every moment with the ones I love, you teach me everyday that there is a thing called pure love.

"You teach me that life is short and time is gold! You teach me to be humble and grateful. You teach me to thank God for what and who we have and not what we don't.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You teach me to give and not take. I use the word TEACH NOT TAUGHT because you are till this day the kindest, nicest, funniest, sweetest, cornyiest & humblest man i met 28 yrs ago.

"Thank you! Thank you Macario for the great life you've given me, the kids and my family. Thank you for my 8 angels! Even my friends adore and love you.

"Anyone that meets you loves you in an instant. You are an amazing son, partner, father, brother, uncle, and friend. You are one true example of God's great creations. I love you Tart! Happy 28th!

"I love you so much! Kapit lang. mahal na mahal ka ni Lord! We almost lost you again but by God's grace He knows and hears our prayers. I love you! Basta i love you so much! See you later!

"Congrats sa atin!! #28YearsAndCounting #Love #MyLife#MyOne&Only."

A photo posted by Nadia montenegro (@officialnadiam) on

Paano hinarap ni Boy ang mga malalaking intrigang kinasangkutan ni Nadia sa showbiz?

Ani Nadia, "Marami na kaming pinagdaanan, ang daming nag-try, ang daming nangyari, na he always told me before pa 'to na, 'Tart, kung meron kang ibang mahal, sabihin mo lang sa akin ha pero 'wag mo lang akong iiwan. Alagan mo ako, pero huwag garapal ha?'"

Pero ipinangako raw niya kay Boy na hindi mangyayari ito.

Kasal na lang ang kulang sa kanila na hindi nangyari dahil binawian ng buhay si Boy nitong nakaraang Lunes, February 6.

Magkakaroon ng necrological mass para sa yumaong dating mayor ng Caloocan ngayong gabi, February 9, sa Loyola Memorial Chapels sa Commonwealth, Quezon City.

Sa Sabado, February 11, nakatakda itong ilibing sa Eternal Gardens sa Caloocan din.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN