PEP EXCLUSIVE. Daniel Matsunaga on breakup with Erich Gonzales: "It was never about money."

IMAGE Noel Orsal

Labis na nalungkot si Daniel Matsunaga sa hiwalayan nila ni Erich Gonzales. Pero ipinapasa-Diyos na lamang daw niya ang lahat. 


Malungkot man, nagpaunlak pa rin si Daniel Matsunaga ng maiksi at eksklusibong panayam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng text messaging ngayong gabi ng Huwebes, February 9.

Ito ay kasunod sa tuwirang pag-amin ni Erich na totoong tinuldukan na nila ng Brapanese model-actor ang halos dalawang taon nilang relasyon.

Read: Erich Gonzales confirms breakup with Daniel Matsunaga: "It's over."

MONEY ISSUE? Sa panayam kay Erich ngayong araw, hindi nito sinagot kung financial problems ba ang naging ugat ng hiwalayan nila ni Daniel.

Ang tugon lamang ng dalaga ay, "Tungkol sa pera, ayoko nang magdetalye tungkol diyan because just like what I’ve said, I just want to move on.

"Hopefully, it’s gonna get better.”

Nang tanungin ng writer si Daniel tungkol sa usaping ito, sinabi ng Kapamilya star na hindi talaga pera ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Aniya, “It was never about money like what a lot of people are thinking right now.”

Wala rin daw third party sa relasyon nila.

Dahil sa mga naglalabasang balita na pawang walang katotohanan, ang worry ni Daniel ay baka raw paniwalaan ang mga ito ng publiko.

Labis din daw siyang nasaktan sa paghihiwalay nila ni Erich, pero ipinapasa-Diyos na lang daw niya ang lahat.

Gayunpaman, mananatili raw ang pagmamahal niya sa leading lady niya sa sa ABS-CBN series na Be My Lady.

Sa huli, sabi pa ng Pinoy Big Brother All In big winner, “I put in God’s hands everything I have.”

Ayaw nang magdagdag pa ni Daniel ng ibang detalye tungkol sa kanilang hiwalayan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN