Shaina Magdayao ready to fall in love again: "Pero wala pa, e."

IMAGE Noel Orsal

According to Shaina Magdayao, she had to undergo the complete process of moving on before falling in love again.


Handa na raw si Shaina Magdayao na umibig muli pagkatapos ng matagal na panahong single ito.

Subalit ayon sa kanya, wala pa rin daw dumarating na bagong pag-ibig kaya mas binibigyang prayoridad niya ang career ngayon.

Sa press conference ng kanyang upcoming teleserye na The Better Half kanina, February 9, sa ELJ Communication Center ng ABS-CBN, nagkomento ang press tungkol sa matagal na panahong wala itong boyfriend.

Si John Lloyd Cruz ang huling napabalitang boyfriend ng aktres, at natapos ang relasyon nila noong 2012.

Natatawang sagot ng aktres, "Oo nga, actually. Parang mas inip pa ang mga tao sa paligid ko kesa ako. Tagal na tagal na po ba kayo?"

Sa puntong ito ay sinabi ng 27-year-old star na kinailangan niyang ihanda ang sarili para sa bagong pag-ibig.

Pagbabahagi niya, "Ilang years ago, I admit, hindi pa talaga ako ready.

"Siguro dumaan ako dun sa proseso na kinailangan ko munang buuin yung sarili ko.

"Ang sarap-sarap sabihin nun na, you know, 'Buo na ako, I don't really need someone else.'

"Pero kapag ka ibe-bless ka ng Diyos with your other half, with your better half, di ba parang mas maganda kasi mas marami kang ise-share kasi buo ka na mismo?

"At I guess yun yung matagal na proseso na kailangan kong daanan.

"But oo naman, ready ako, pero wala pa, e."

Kahit nga raw gusto na niyang magpakasal, hindi pa kumakatok muli ang pag-ibig kaya mas magpo-focus na lang daw siya sa career.

Sa katunayan, muli siyang pumirma ng kontrata sa Kapamilya network.

Sabi niya, "Well, ako, as much as I would like to, parang meron pa akong purpose kung bakit ako nandito sa industriya.

"Maski ako, dumating sa point na pati ako, kinuwestiyon ko.

"But this afternoon, after this presscon, I'm signing and renewing again for two more years sa ABS-CBN so medyo iho-hold muna natin siya nang konti ulit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinantiyawan naman si Shaina ng kanyang co-star na si Denise Laurel dahil puwede namang pagsabayin ang love at career.

Subalit katuwiran ng aktres, mas binibigyan niya ng importansya ngayon ang bago niyang teleserye, ang The Better Half, na eere simula February 13 pagkatapos ng It's Showtime.

Dito ay gagampanan niya ang papel ni Camille, isang babaeng nawalan ng asawa at babangon muli para sa bagong pag-ibig.

Paliwanag niya, "Naniniwala naman ako na oo naman, puwede naman siyang pagsabayin.

"But sa ngayon, na-o-overwhelm kasi ako sa ganda ng pagpasok ng 2017 ko, and napaaga pa ang airing namin na naka-set pa siya na akala ko mid-year pa.

"Maraming dumadating na blessings and, as much as possible, gusto kong i-direct yung full attention ko kasi hindi biro yung nabibigay na projects sa akin.

"This is the first time in years na na-renew yung passion ko, and I hope na makita ninyo kung paano namin pinortray yung role na ako is, personally, sobra ko siyang niyakap.

"Sobra kong niyakap si Camille. Naiintindihan ko yung struggles niya in life, and I guess lahat tayo bilang nagmahal na at one point in our lives, nag-decide tayo na maybe it's time to move on.

"Lahat tayo makaka-relate sa struggles ni Camille.

"More than anything, ito yung baby ko."

Sabi naman ni Shaina, ipapaalam naman daw niya kung sakaling mahanap na niya ang kanyang "better half."

"Medyo malayu-layo pa pero malalaman niyo naman po kapag nagkaroon na ako, pag natagpuan ko na yung aking better half. That's for sure."

RECONCILING WITH EXES. Isang reporter naman ang nagtanong kung gugustuhin rin daw ba ni Shaina na makipagbalikan sa mga dati nitong karelasyon gaya nga ni John Lloyd, na sa pagkakaalam ng marami ay single sa ngayon.

Natawa naman si Shaina at sinabing, "Naku, talagang yun pa."

Sa puntong ito ay tumanggi nang magbigay ng pahayag ang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, "Ganito po, pag-iisipan ko 'tapos babalitaan ko kayo.

"Medyo ayoko lang masagot ngayon bilang nagpo-promote tayo.

"Alam naman natin na mahirap na i-drag na yung mga pangalan ng hindi naman kasama sa show.

"Yun din naman ako, alam niyo naman, I'm very careful na masabihan na binabanggit natin yung mga hindi naman kasama."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN