Janine Gutierrez says she is not friends with ex-boyfriend Elmo Magalona

IMAGE Noel Orsal

Was it time that caused her breakup with Elmo Magalona? Janine Gutierrez replies, "Oh my gosh, wala na akong naaalala."


Desidido si Janine Gutierrez, 27, na huwag na munang mag-boyfriend at mag-focus muna sa trabaho.

“Ayoko sana munang mag-boyfriend.

“Akala ko dati sobrang fake iyon pag sinasabi ng mga tao. Totoo pala,” pahayag ng Kapuso actress sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng press sa press conference ng Day Off, ang reality TV show na mapapanood sa GMA News TV.

Bukod kay Janine, magiging host din ng show si Ken Chan.

Ginanap ang presscon sa Kuya J’s restaurant sa Timog Avenue, Quezon City, nitong Huwebes, February 9.

Ang huling nakarelasyon ni Janine ay si Elmo Magalona. Inamin nila ang kanilang relasyon noong October 2014, at kinumpirma ang kanilang paghihiwalay noong October 2016.

Lumipat sa ABS-CBN si Elmo noong 2015.

Tinanong si Janine kung oras ba ang dahilan ng paghihiwalay nila.

“Oh my gosh, wala na akong naaalala,” sabay tawa ng aktres.

“Siyempre wala na iyon.”

Sa tanong kung magkaibigan ba sila, “Hindi po. I’m sure he’s busy also,” sagot niya.

Tiniyak din ng Kapuso actress na nakapag-move on na siya.

“Oo naman, masaya pala,” paniniyak niya.

Sa nangyari sa kanila ni Elmo, ano ang naging realization niya pagdating sa pag-ibig.

Sagot niya, “Ako kasi when I like someone, hindi ako masyadong nagse-second thoughts.

“Di ako masyadong nag-o-overthink.

“Alam mo yung saying na parang, 'If you feel like saying I love you, you should say I love you or you should not let the moment pass you by,' so at least para no regrets. Gano'n ako, e.”

Kinontrata na raw niya ang sarili na puro trabaho ang kanyang pagkakaabalahan ngayong taon.

“Happy ako sa work now. Panahon talaga na mag-focus sa trabaho.”

Bukod sa Day Off, na mapapanood tuwing Sabado, magiging main star si Janine sa upcoming GMA teleserye na Legally Blind.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN